Hakan's POV Binasa ko ang mensahe ni Ninong Justin nang maalala ko ito bago ako humiga sa tabi ni Maria Vaniella. Napangiti ako nang mabasa ko ang nilalaman ng text niya sa akin. Sa sobrang kagalakan ko ay masuyong hinalikan ko sa pisngi ang aking asawa at niyakap ng may pagsuyo rin siya sa kaniyang baywang pagkatapos. Nakakita ako ng malaking pag-asa sa sinabi ni Ninong Justin. Kapag nagtuloy-tuloy daw ito, baka isa, dalawa, o tatlong buwan ay gigising na si Maria Vaniella sa kaniyang pakaka-comatose. Sana nga maging mabilis na lang siya sa kaniyang paggising, ang haba ng isang taon. Sana sa susunod na buwan na iyong sinasabi ni Ninong Justin. Huwag na sanang maging matagal pa ito dahil lahat kami ay naiinip na. Kung gigising siya, gumising na siya. Malapit na rin kasi ang birthday

