Hakan's POV Nagmamadali ako sa pag-uwi galing ng office ni Daddy. Iyak daw nang iyak ang kambal sa mansion at ako lang ang kanilang hinahanap. Hindi mapatigil ni Mommy sa pag-iyak ang kambal at ng mga nanny ng mga ito dahil papa nang papa daw ang kambal. Mukhang tinopak yata sila at ako ngayon ang kanilang hinahanap. “Bilisan mo sa pag-uwi, anak. Ikaw lang ang makakapagpatahan sa dalawa mong anak.” Text ni Mommy na naging dahilan para bumuntong-hininga ako ng marahas. Gusto ko man bilisan, wala naman akong magawa dahil sa traffic. Sa haba nito ay malamang hindi agad ako makauwi. Hindi maintindihan kasi minsan ang mood ng kambal kapag sinumpong kaya nahihirapan ang mga nanny ng mga batang iyon sa pag-aalaga sa kanila. Minsan karelyebo nila si Mommy sa pag-aalaga at minsan ako kapag hin

