Kabanata 13

1725 Words
"PAN, may sobrang guwapong lalaki na nakasalubong ko kanina!" malakas na sabi ni Charie habang sinasabayan ito nang paghampas sa balikat ng kaniyang kaibigan. May nakita kasi siyang bagong biktima este bagong magiging apple of the eye niya. "Lahat naman yata gwuapo sa iyo, Cha," sagot ni Pan na abala sa paglalagay ng mga record ng pasyente sa computer na kaharap nito. "Iba siya, Pan, iyong tipo na isang tingin niya pa lang na-inlove na ako, 'yon bang tinamaan na agad ako ni kupido," nagnining ang mga matang paliwanag ni Charie sa kaibigan habang nakapangalumbaba. "Ituon mo nga ang sarili mo sa trabaho natin, Cha," pagalit na saad nito. Hindi ito pinansin ng dalaga sa halip ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata at muling nagbalik-tanaw sa itsura ng lalaking nakita niya. Bago pa lang silang assistant doctor sa Saint Paul Hospital pero ngayon pa lang siya nakakita ng g'wapong doktor sa paningin niya. Hay iba talaga kapag tinamaan ka ni kupido. "Pan, wala na yata akong puso," muling sambit ni Charie sa naiinis na niyang kaibigan. "Mamatay ka na kung ganoon. Aba salamat naman nang mabawasan ang mga baliw dito sa mundo." Tinawanan ni Charie ang kaniyang kaibigan at kinuha ang ibang record ng pasyente sa lamesa nito. Medisina ang kurso nilang dalawa ni Pan at under sila ni Doc. Timothy Alarcon isa sa pinakamagaling na surgeon sa hospital na pinasukan nila. May apat na palapag ang hospital at public hospital ito dito sa kanilang probinsiya ng Vargas. May tag-sampung kuwarto ang bawat palapag. At may capacity ito na 500 patients. Nakahiwalay ang mga office departments ng mga nurse, staff, assistant doctor at mga doctors. Iba rin ang office department ng mga medical team gaya ng mga janitors, at mga canteen supervisors. May libreng food packs na ibinibigay ang SPH para sa mga pasyente na wala talagang pambili at kapos sa pera. Noong isang araw lamang ay inumpisahan na ni Doc Trias ang pagbubukas ng hospital pharmacy para sa mura at dekalidad na gamot. Ang SPH ang pinakamalapit na hospital sa bayan ng Vargas pagmamay-ari ito ng Lolo ni Doc Trias na mamatay noong World War 2. "Saan kayang lupalop nakatira ang g'wapong lalaki na 'yon? tanong ni Charie sa kaniyang sarili habang tumitipa sa keyboard ng computer. Inirapan siya ni Pan. "Malay ko sa iyo, Charie, baka naman si Doc Trias lang iyong nakita mo." Inirapan niya ito. "Senior citizen na si Doc Trias, hello, hindi ako pumapatol sa matatanda, no." Eksakto ang pagdaan ni Doc Trias sa harapan nila ni Pan. Tumigil ito sa tapat nila. "Charie, narinig ko yata ang pangalan ko?" tanong nito na may himig ng galit sa tinig nito. Hindi sila nakaimit ni Pan. At dinedma ang senior doctor na nasa kanilang harapan. MAAGANG pumasok si Charie sa hospital kinabukasan dahil gusto niyang maglibot sa hospital, nagbabakasakali siyang makita ang guwapong doctor na nakita niya kahapon. Nakasalubong niya si Doc. Trias na nakasuot ng tattered jeans at t-shirt na kulay pink. Ibang klase din itong si Doc. Trias palibhasa matandang binata. "Charie, charming, Charie." Nakangiti nitong bati sa kanya. Nilampasan niya ang binatang doctor ngunit sinundan siya nito. "Aba, may hinahanap ka yata?" "Alam mo doc, may hinahanap akong gwuapong lalaki," nakasimangot na sagot niya. Pakiramdam niya ang liit niya dahil kaharap niya si Doc Trias na may height yatang 5'10 samantalang siya, e, 4'11 lang. "Hinahanap mo pala ako," nakangiting wika ni Doc Trias sa kaniya. "Ang hangin Doc, kapit ka baka mamaya liparin ka niyan!" Nilampasan ni Charie si Doc Trias habang tumatawa ito ng malakas. Malungkot na pumasok si Charie sa Department nila hindi kasi niya nahanap ang guwapong doctor. Baka bumisita lang iyon kahapon o hindi kaya namalikmata lamang siya. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata. Kadarating lang din ni Pan sa kanilang department. Niyakap niya nang mahigpit ang kaibigan niya habang nakasimangot. "Sinapian ka na naman, Cha?" sarkastiko nitong tanong. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Pan at umupo sa lamesa. "Wala yatang kupido ngayong araw," nakasimangot na sabk niya sa kaibigan. "Hay naku, hindi ka pa ba tapos diyan sa kaka-kupido mo? Hello, Cha, hindi siguro kupido iyon kun'di multo... isang guwapong multo na dumaan at nagtago dahil natakot sa iyo." "Wow naman, hiyang-hiya ako sa ganda mo, Pan!" Bulalas niya habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa. May katabaan si Pan at maliit din na kagaya niya kaya siguro sila magkasundo dahil doon. Sumilip si Clyde Torio sa office nilang dalawa. "Pan at Charie kailangan kayong makausap ni Doc. Sebastian mukhang pinapalipat kayo para maging under ni Doc. Vasquez." Balita ni Clyde sa kanila, isa din itong assistant doctor pero mas mataas ang katungkulan nito sa kanila dahil mas matalino ito. At sobrang dedicated pagdating sa trabaho. "Susunod na kami, Clyde," sagot niya. "Kung mas malupit si Doc Trias tiyak mas malupit na naman ang magiging head natin." Tinapik-tapik ni Pan ang balikat niya. "Ako na naman ang nakita mo, Pan." "Magpakabait ka kasi, Cha, tignan mo nang dahil sa'yo napapahamak ako," reklamo ni Pan. "Ay, grabe siya!" SUMUNOD silang dalawa kay Clyde na nagkakamot ng batok. Kinakain naman niya ang hinlalaki niya dahil kinakabahan na siya. Hays, kainis naman oo, bakit kaya siya kinakabahan at parang may mga nagkakarerahang daga sa dibdib niya. Pagbukas ng department ni Doc Sebastian agad na nagtaas ito ng kanang kilay. Hala, patay na naman silang dalawa ni Pan. "May sasabihin ako sa inyong dalawa dahil malapit na kayong ma-regular kailangan ninyo munang dumaan kay Doc. Vasquez isa siyang magaling na Orthopedic Surgeon, siya ang may pinakamataas na doctoral mark sa kaniyang batch. Matagal na siyang doctor dito sa SPH kaya lang pabalik-balik siya ng America for some private reasons," paliwanag ni Doc Sebastian. "Doc, si Doc Trias po ba hindi na namin under?" hindi niya mapigilan ang sarili na mag-usisa rito. "Hindi na dahil ikakasal na si Doc Trias next week kaya papalitan na siya ni Doc Vasquez." "Mabuti naman," wala sa sariling aniya. Ilang saglit pa ay pumasok ang isang lalaki na naka-maong pants at naka-doctors coat, kumikintab pa ang black shoes nito at may nakasukbit na stethoscope sa kanyang suot na coat. Malakas na pinalo niya ang balikat ni Pan. Tumingin si Pan sa kaniya nang matalim. "Siya, 'yong sinasabi ko, Pan" masayang sabi niya na napalakas ang boses. Tumingin ito sa gawi niya, agad niya itong nginitian ngunit tinanguhan lamang siya nito. "Charie, quiet!" ani Doc Sebastian. "Sila ba ang mga under ni Doc Trias, Doc?" tanong ng lalaki na tinitigan niya. Tumango ito. "Ikaw na bahala sa dalawang pasaway na ito, Doc. Vasquez," pagpapaalam ni Doc Sebastian. "Kapag naging pasaway sila ibagsak mo na lang lalo na itong si Charie." Turo ni Doc Sebastian sa kaniya. "Mapagbiro ka naman, Doc Sebastian." Ngumiti siya dito kahit na sa loob niya gusto na niya itong sakalin. "So, kayo ang magiging assistant ko?" seryosong tanong ni Doc Vasquez na inisnab lang ang ganda niya. "Doc, nakita kita ka---" "You are?" putol nito sa sinasabi niya na nakatingin kay Pan. "Siepan "Pan" Bautista." Pagpapakilala ng kaibigan niya. Dumako ang tingin sa akin ni Doc Vasquez. "I'm Charie Vas--- Zaragoza, pala Doc." Tumawa si Pan sa inasal niya. "Ano'ng alam mo sa medicines, Charie. Except from being a joker?" Sarkastiko nitong tanong sa kaniya. "Yes, I admit that I'm a joker, Doc. But when I saw you last day, magiging seryoso ako, Doc Vasquez." Nginitian niya ang guwapong doctor. "Lets proceed," anito na wala man Lang reaksyon sa sinabi niya. *Kunwari ka pa Doc crush mo yata ako e* "I'm Doc Gabriel Felix Vasquez or Doc Gab. I'm a junior orthopedic surgeon. I'm also a highschool teacher in Vargas Highschool but I left my job there to become a doctor. Since ako ang magiging head ninyo, I have rules that you must follow or else, humanap na lamang kayo ng ibang mapapasukan ninyo... first ayoko ng assistant na mabagal kumilos, lalo na kapag emergency at kailangan agad ng first aid ng pasyente. Bawat segundo bilang doctor ay mahalaga at hindi dapat sinasayang para magpa-impress... you know what I mean. Second, ayoko ng assistant na palaging late... gusto ko siya ang nauunang pumapasok kaysa sa akin, to remind me my schedules and to remind me my appointments. Patients need to time and assistance, hindi natin sila dapat pabayaan. Nandito sila para mabuhay at hindi para ma-stress dahil sa kapabayaan natin... understood!" mariing saad nito. So, pwedeng boyfie o mahal kaya. "Ms. Zaragoza? Are you with us!" Untag nito sa kaniya. "Mahal este... yes, Doc." Umiling ito. "First warning, Ms. Zaragoza, tatawagin kitang Miss dahil hindi mo yata deserve na tawaging Doc." Napahiya siya sa sinabi nito. "Sorry, Doc." Nauna itong lumabas at "Aray!" impit niyang daing dahil tumama ang legs niya sa upuang nasa gilid. Nilingon siya ni Doc Vasquez at sandali itong lumapit sa kaniya. "Pasa lang 'yan hindi nakamamatay," wika nito at muling lumayo sa kanya. Ang sungit naman ni boyfriend. Nilapitan siya ni Pan. "Huwag ka kasing pa-fall." Inirapan siya nito. "Clyde, alalayan mo nga ako," aniya na nakaangat ang kamay sa harapan ni Clyde. Wala naman itong reklamo. DUMAKO sila sa ward at may mga pasyenteng nakahiga roon mga mild injuries ang pasyente na nasa ward ang iba naman mga kapapanganak pa lamang. Apat ang ward sa SPH may pang pregnant womens, minor injuries, dengue ward na umukupa sa dalawang ward. Lahat ng mga staffs ng SPH ay mababait, syempre isa na doon ang boyfriend niya, chos. Kinakagat niya ang ballpen nang lapitan siya nito at ibigay ang record book sa kaniya. "Nakatunganga ka rin lang, Miss. Zarag." "Za-ra-go-sa, Doc!" Pagtatama niya. Umikot ang mata nito. "Ilista mo lahat ng mga pasyente dito sa ward habang naglilibot kami." "Pero doc," pagrereklamo niya. "Walang pero-pero gusto mo maging doctor hindi ba?" tanong nito habang nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot nitong doctors coat. "Okay, doc." Tumalikod ito kasama ni Pan na nakangisi sa kaniya. Si Clyde ang kasama niyang naiwan. "Mainit yata dugo ni Doc, sa'yo?" usisa ni Clyde habang inilalagay ang stethoscope sa leeg nito. "Clyde, ganyan talaga kapag may M.U." "Kayo na!" Lumaki pa mata nito ngunit tumawa rin. Ipinalo niya ang record book sa balikat nito at saka ito tinalikuran. "Ang sama mo, Charie." Sinimangutan niya ang kaibigan na gumu-gwuapo sa hairstyle nitong mala si Ah si ng F4.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD