PANAY ang sulyap niya kay Charie dahil sa pagiging clumsy nito. Nasapo na lamang ni Gab ang panga niya kapag may nagagawa itong hindi maganda. Isang linggo pa lamang siya sa hospital pero gusto na niyang umalis dahil naasiwa siya kay Charie.
Pababa na siya ng hagdan nang makasalubong niya si Doc Alarcon. Kaibigan niya itong matalik at pinsan sa malayong kamag-anak. Pinipilit nito na magkamukha sila kahit hindi naman dahil mas gwuapo naman siya ng isang dipa dito.
"Kamusta mga trainees mo, mukhang nagkakasundo na kayo ni Charie, ah."
Bumuntong hininga siya. "Mahirap pakisamahan ang isang 'yon parang may diperensiya sa utak."
Tinawanan siya nito. "Bata pa kasi 'yon twenty one yata siya tapos tayo lampas kalendaryo na."
Napangiwi siya. "Maaga siyang nakapasa sa Medicinal Exam."
Tumango-tango ito. "Matalino naman si Charie, 'yon nga lang minsan hindi nakikinig dahil may malalim na iniisip." Tinapik nito sa braso ko. "Kumain ka na? Sabay na tayo?"
Nauna itong lumakad at sumunod naman siya. "May canteen na ba dito?"
"Oo meron na, nasa taas para sa mga doctors at nurses lang. Sa baba naman ang mga pagkain ng pasyente natin dito, napag-usapan namin na gawing libre na lamang kasi madaming mga tao na naghihikahos," paliwanag nito.
Ang hospital kasi na ito ay pinagtulungang gawin ng mga doctors sa buong bansa para sa mga mahihirap na mamamayan, may fees mang binabayaran ngunit lahat ng gamot libre na sa SPH.
Sa mga dialysis at kemo therapy ang hindi kayang ibaba sa fees dahil sa ibang bansa pa nila kinukuha ang mga gamot na ginagamit nila.
"Love in the Menu" Basa niya sa nakalagay na karatola sa itaas. Pula ang dingding at black. Nagmumukha na horror room ang canteen. May nakasabit pang mga syringe na ginawa ng palamuti.
"Paano naman ako makakain nito?" tanong sa kanyang sarili habang tinitingala ang paligid.****
"Hi, doc!" Bati ni Charie na naka-akbay kay Clyde.
"Umayos nga kayo," seryosong wika niya.
Nilampasan lang siya nito. "Attention, kayong lahat na nandito sa Love in the Menu, sagot ko na lahat ng pagkain ninyo dahil nakita ko na ang future husband ko," ngumiti ito sa kanya. Loko-loka na talaga ang babaeng ito.
"Sino naman, Cha." Tanong ng lahat sa paligid nila.
"Tsaka niyo na malalaman kapag kami na," tumawa ito at inabutan pa ng plato si Clyde.
Nagkamot na lamang siya ng batok habang tinatawanan ni Doc Alarcon.
"Ayieeee!" sigaw na naman nila parang mga tanga lang.
"Ano gusto mo, doc? Coffee, tea or... Me?"
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Tumigil ka nga, Ms. Zaragosa!"
"Joke lang, doc. Nag-blush ka tuloy," wika nito bago muli siyang lampasan.
Maaga siyang gumising kinabukasan dahil alam niyang maaga ang pagpasok ni Doc Vasquez ngayong araw. Pakanta-kanta pa siya habang papasok sa banyo. Nakita niya ang isang bulaklak na nakalagay sa vase ibinigay sa kanya 'yon ni Doc Alarcon kahapon dahil naka-score na daw ako.
Gwuapo naman si Doc Alarcon kaso may pagka-ewan sobrang yabang buti pa si Clyde na kamukha ni superman at papunta na kay sanguko dahil sa hairstyle nito.
Ibinaba niya ang towel at hinayaang mabasa ang kanyang hubad na katawan.
"Ano kaya kong i-seduce ko si Doc Gab. O kaya gayumahin ko," napahagikhik siya sa naiisip.
Nang matapos ay nagpalit na siya suot ang uniporme niyang kulay puti at skirt na gray.
Mag-isa lamang siya sa bahay nila dahil nasa Cebu na ang mga magulang niya, may palaisdaan ang mga ito roon at ang kanyang kapatid ay nakapangasawa naman ng taga-Cebu na rin.
Dalawa lamang silang magkapatid ng Ate niya, siya lang nagpumilit na manatili dito sa Manila dahil sa pinili niyang propesiyon. Suportado naman ang kayang mga magulang sa kanya at maging ang Ate niya.
Naglagay siya ng manipis na make-up at lip tint tsaka sinuklay ang basang buhok. Makikita niya mamaya si Doc Vasquez dahil siya ang assistant nito sa gagawing simple surgical na pangungunahan niya.
Humigop siya ng kape habang binabasa ng makailang ulit ang notes niya na pinagpuyatan niya kagabing review-hin.
Isinukbit niya ang bag sa kili-kili niya at mabilis na isinuot ang sandals niyang may dalawang pulgada ang taas.
Nasapo niya ang noo, wala na nga pala siyang allowance ngayong linggo dahil sa panlilibre niya kahapon.
"Nga-nga na lang muna tayo, Self, para sa future."
"SINO BA ANG nakaimbento sa traffic at ipapatay ko," naiinis na sambit niya habang nakasakay sa taxi. Mahigit tatlong oras na siyang naka-stock sa gitna ng Edsa.
Tumingin sa kanya ang driver ng taxi. "Miss, malapit na ang SPH dito pwede mo naman nang lakarin," wika nito. Nagningning ang mga mata ko at tumingin sa labas tama si Manong natatanaw ko na ang building namin.
"Salamat manong, hulog ka talaga ng langit," natutuwa niyang sambit dito.
"Suking-suki ka na sa akin, Cha."
Bumaba na siya s kotse at patawid na siya sa kabilang kalsada. Lagot na baka mahuli siya sa ginawa niyang Jay walking.
"Putcha, pika, boom!" Sigaw niya dahil muntik na siyang masagasaan sa ginawa niyang iyon.
Patakbo siyang tumungo sa harap ng building habang hinihintay ang may-ari ng kotse na muntik nang bumangga sa kanya. Nakapamewang siya habang kinakatok ang bintana ng kotse ng sinong poncho pilato na may-ari.
Lumabas mula sa loob si... Doc Vasquez, gosh.
"Wala akong kasalanan sayo, Miss Zaragosa ikaw ang biglang tumawid kung gusto mong magpakamatay, please wag kang mandadamay." Nilampasan siya nito.
"Grabe naman 'tong lalaking 'to parang hindi kami close," nangingiting wika niya habang sinusundan ito papasok ng hospital.
Sa paghakbang niya na-out of balance siya, mabuti na lamang at nasa harap pa niya ito kaya naman nayakap niya ito di bale nang makatsansing wag lang siya ang matsansingan ng hagdan.
"Miss Zaragosa, get off!"
Hindi niya ito pinakinggan, niyakap niya na lamang ito at dinama ang tigas ng katawan nito. Ilang abs kaya mayroon si Doc Vasquez.
Chapter 5
Doc. Gabriel
"Hey, Ms. Zaragoza, para kang linta na nakakapit sa likod ko." Marahas niyang tinanggal ang kamay ni Charie, sa kanyang ginawa namula si Charie at biglang tumakbo papasok ng department ng mga ito. Napailing siya habang tinitignan na siya ng mga staff sa hospital.
"Hala ka, doc, binasted mo na agad si Charie," paninisi ng isa sa mga nurse na naroon.
Nginitian lamang niya ang mga ito habang punapasok sa hospital. Nag-time in muna siya at pinindot na rin ang pangalan ni Charie upang maka-time in na rin.
Nakita ni Doc Alarcon ang ginawa niya, nakasandal ito sa pader habang nakahalukipkip.
"Tsk! Tsk! Tsk!" Makailang ulit na ngumisi-ngisi ito pakiwari niya tuloy pinagkaisahan siya ngayong araw na ito at minalas siya.
"Sinagot mo na si Cha---"
Nilampasan niya ito. "Napaka-judgemental mo yata ngayon."
"Asus, sabi ko na nga ba, eh. Mahal mo na ba si Charie?" pang-aasar pa nito.
Inirapan niya na lamang ang tsismosa niyang pinsan. Humabol naman ito na tumatawa. Bakit ba kasi siya ang ginawang flavor of the month ni Ms. Zaragoza, eh. Bukod sa maganda ang dalaga alam niyang may mabuti itong puso ngunit... hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya isinasara ang pintuan ng puso niya para magmahal."Anong nangyari sayo," salubong na tanong ni Pan habang hawak nito ang bag na ipinaoatong sa locker nila.
"Masama araw ko," nakasimangot na sambit niya habang nagdadabog sa kanilang department. Kasi naman napakasungit ng lalaking iyon ipinaglihi siguro sa sama ng loob o di kaya masama na ang loob nang ipanganak ng mga magulang nito.
Mula ngayon hindi na kita hahabulin pa, dahil simula ngayon dadaanin na kita sa dahas, tukoy niya kay Doc. Vasquez.
Inayos niya ang doctors coat niya at inilagay ang pin niya na Assistant Doctor ngayon.
Tinapik siya ni Pan. "Kaya mo 'yan, Cha. Kung hindi tatalab plano mo may isasalang kami ni Clyde para sayo."
Namilog ang mga mata niya habang nakatingin ng seryoso sa nakangisi niyang kaibigan.
"Ayieeee."
"Basta ilibre mo ako ng lunch mamaya," kumindat ito sa akin. Ipinusod naman niya ang hanggang balikat niyang buhok bago lumabas sa department nila. Nakasalubong niya si Clyde na bagong gising pa lang yata, niyakap siya nito.
"Huta, ang aga-aga nanatsing ka!" Biro niya dito. Wala itong imik habang nakayakap sa akin, ano naman kayang problema ng gwuapo kong kaibigan.
-
-
-
Sa likuran namin hindi niya agad napansin si Doc Vasquez na may masamang tingin sa kanila ni Clyde.
Chapter 6
Gabriel
*
Ano naman kayang ginagawa ng mga ito at nagyayakapan pa sa harap niya mismo.
"Doc?" Nanlaki ang mata ni Charie, nabigla pa ito kaya marahang tinapik nito si Clyde na nakayakap pa rin kay Charie.
Kinusot ni Clyde ang mga mata ang tinignan lang ako ngunit hindi binati, isa na na ring ganap na surgeon si Clyde.
"Ang alam ko assistant kita ngayon, Ms. Zaragosa." Sumeryoso ang mukha ni Gab habang nakatingin kay Charie. Nauna siyang naglakad at sumunod naman ito. Hindi niya maiiwasang maiinis sa ginagawa ngayon ni Charie. Hindi na ba siya nito gusto o di kaya nagsawa na ito kakahabol sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at bigla na naman itong tumama sa likuran niya. Napailing siya nang kusa itong lumayo sa kanya.
"First day mo ngayon, Ms. Zaragosa kaya umayos ka," paalala niya.
Hindi ito umimik at sabay nilang tinungo ang Operating Room. Napansin niya ang panginginig ng kamay ni Charie kaya hinawakan niya ito. Ganito rin siya noong nag-uumpisa at isang protégé din kagaya nito.
"Kaya mo 'yan."
Tumango naman ito agad rin niyang tinanggal ang kamay niya sa kamag ng dalaga baka isipin nito na okay na silang dalawa.
-
-
-
Mahigit isang oras ang itinagal ng operation at naging successful naman, una siyang lumabas sa Operating Room at hinintay na lamang ito dahil kausap pa ito ni Doc Alarcon. Masaya siya para sa dalaga dahil di magtatagal isa na rin itong ganap na Surgeon katulad niya. Mad marami ng pasyente na kapos palad ang matutulungan ng SPH.
Nakasandal siya sa pader at ang isang paa ay nakatukod sa ibaba. Nakayuko siya habang ang dalawang kamay ay nakasuksok sa doctors coat niya.
Lumabas si Charie at agad siya nitong niyakap. Nanatili siya sa ganoong sitwasyon.
"Salamat, Doc Gab."
Lihim siyang napangiti at kusa naman itong kumalas sa pagkakayakap kanya.Inaya niya itong mag-lunch sa Love in the Menu at tumalima naman ito dahil alas dos na rin ng hapon. Kumakalam na ang sikmura niya habang hinihintay na matapos ito. Proud lang siya dito dahil nagawa nito nang maayos ang operasyon kanina sa minor surgery na ginawa nito. Siya pa ang ninerbyos dahil sa mali-maling hawak nito ng mga gamit sa pag-opera. Hinayaan niya si Charie na gawin lahat ng mga procedures at hindi siya nabigo, magaling si Charie kahit hindi ito nakikinig sa kanya minsan.
"Swerte ko naman doc, ililibre mo ako baka mamaya ma-inlove ka na sa akin, hala ka."
Gusto ko nang batukan si Charie dahil sa mga banat nito na hindi nakakatuwa kundi nakakainis?
Isang linggo na lamang ang pananatili niya sa SPH dahil kailangan niyang bumalik sa Amerika upang kamustahin ang Dad niya na may sakit ngayon at ang business nila na Restaurant sa Amerika na may apat na branch na roon.
Nalulungkot siya dahil kababalik pa lamang niya aalis na naman siya at maaari 'yong magtagal sa loob ng tatlo hanggang apat na taon.
"Umupo ka na, ako na ang bahala." Tinanggal ng dalaga ang doctors coat na suot niyo at siya naman ay nanatiling suot 'yon dahil pauwi na rin naman siya pagkatapos niyang kumain.
Nakapangalumbaba si Charie habang naghihintay ito sa kanya. Ano kayang magiging reaksiyon nito kapag sinabi ko dito na aalis na ako.
Isang order ng menudo, adobo at chopsuey ang kinuha ko tsaka apat na order na kanin dahil alam kong matakaw si Charie kahit na ang payat naman nito.
"Favorite ko lahat 'yan Doc, naku naman kinikilig tuloy ako, naks."
Pinagkiskis nito ang palad at kumuha na ng pagkain pagkalapag sa mga pagkain sa mesa. Habang puno ang bibig nito nagsasalita pa minsan naman tumatawa nakita kami ng ibang staff sa SPH at lihim ang tuksuhan ng mga ito. May naririnig pa siyang bagay daw sila ni Charie. Napapailing na lamang siya kapag naiidikit ang pangalan niya sa pangalan ng makulit niyang trainee.
"Bakit mo nga pala ako inilibre Doc?" tanong nito pagkababa ng baso.