Chapter 32 Habang nasa loob ng taxi hindi maiwasan makaramdam ng kakaiba si Cris. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kinakabahan siya HAYS... Ayoko ng ganitong pakiramdam. Lord please kung ano man po yung nararamdaman ko sana wala lang po ito "Ineng nandito na tayo sa starbucks ineng" Napukaw ng taxi driver ang kanyang pansin ng magsalita ito. "A..Ay sorry po. Heto po ang bayad ko" Agad siyang dumukot sa bulsa ng kanyang pantalon at binayaran ang taxi driver "keep the change nalang po manong" Napangiti ito ng malapad "Maraming salamat ineng. Ingat ka sa pupuntahan mo." Ngumiti siya bago siya bumaba ng taxi.. Napatingala siya sa langit ng biglang kumidlat. "Nako po mukhang may bagyo pa ha?" Nagmadali na siyang pumasok sa loob ng coffee shop habang wala pang ulan. Pag

