Chapter 33 After two years... Isang mahigpit na group hug ang sumalubong kay Cris pag dating niya sa arrival area. "Cris ikaw na ba talaga yan??" ani Jayson She smiled "Miss ilabas mo yung kaibigan namin?" -Peter "Cris amoy steyside ka" biro ni ricky "Cris sino nagretoke sayo? Dalawang taon ka lang nawala naging ganyan ka na kaganda?" -ryan Natawa siya dahil sa reaksyon ng kanyang mga kaibagan sa kanyang itsura. Marahil naninibago ang mga ito sa kanyang new look. Humaba na ang kanyang buhok at kulot kulot ang ilalim nito. Sa loob ng dalawang taon nagbago na ang kanyang pagkatao. Tuluyan na siyang naging ganap na babae. Mula sa kanyang pananamit, pagsasalita at pagkilos wala na talagang bakas ang pagiging boyish niya noon. "Mga siraulo padin kayo. Tulungan niyo kaya ako mabigat ton

