Kabanata 13 Restaurant Wala akong sinayang na oras, mabilis akong nag-impake ng gamit. Ilang damit at halos pantulog lang ang isinilid ko doon para ready to fight ang peg ko anytime. Sa tingin ko kasi ay magagawa ko ang mga plano ko kung nasa condo n'ya kami. Doon kasi ay tanging kami lang dalawa ni Argo ang naroon kaya walang magiging istorbo kung sakaling tuluyan ko na siyang akitin. Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan. Halos talunin ko nga iyon sa pangambang maiwan ako ni Argo. "Natalia?" Nilingon ko ang mag-asawang Greensmith na siyang kausap ni Argo sa may living room. "Sinasabi mo bang kukunin mo dito si Natalia?" May pag-aalala sa tinig ng ginang. Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa likuran ni Argo at bahagyang sinilip ang mga ito habang nag-uusap. "Mas safe siya