Kabatana 14 Condo Habang daan pauwi ng kaniyang condo ay tahimik lang ako. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip ko ang nalaman tungkol sa kanila ni Florisse. Kung talagang matutuloy pa ang kasal nila ay baka pwede na akong umiskapo? Ihahanap ko na lang siguro siya ng bata na pwedeng ampunin para ibigay sa kanya. Ngunit nagtatalo ang isip ko kung iyon ba talaga ang tamang desisyon. Isa pa baka hanapin nito sa'kin ang milyon-milyon na perang binigay n'ya. Tiyak na sa kulongan din ang bagsak ko kapagtapos kong makapanganak. Tiyak na iyon ang plano ni Argo kaya hindi pa rin n'ya ako pinapakawalan. Sinulyapan ko ito habang tahimik na nagmamaneho. Ang kilay nitong pirming magkasalubong ay tila wala na yatang balak pang tumuwid ng ayos. Gayon pa man ay nuknukan pa rin ito ng gwapo. Akala ko s