Allison's POV; "Allison." Bungad ni Madison ng magising ako sa isang puting lugar. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang sunod sunod pagragasa ng mga luha ko at sobrang bigat ng pakiramdam ko parang anytime sasabog dahil sa sobrang sakit. "Umiiyak ka nanaman." Parang huminto ang pagpintig ng puso ko ng tumabi sina Madison at bumungad sakin ang lalaking kasalukuyang nakaupo sa isang sofa. "B-Bullet." Bulong ko bago mabilis na bumangon dahil sa pagmamadali ko muntikan na akong masubsob ng ilang segundong nagdilim ang paningin ko pero bago pa ako bumagsak may isang brasong sumalo sakin para sa dibdib niya ako masubsob. "Ano bang ginagawa mo Allison napakacareless mo?" Hindi ko alam pero imbis mainis napahagulhol na lang ako dahil sa sobrang takot ko. "A-Akala ko wala kana akala ko iniwa