Allison's POV; "Im sorry." Bulong ni Bullet na kinayukom ng kamao ko. "Sorry?" Ani ko bago pagak na tumawa at walang emosyong tingnan ang mga mata ng lalaking pinakamumuhian ko sa buong buhay ko. "Dahil sayo muntikan na akong mamatay!" Bulyaw ko bago malakad duruin ang dibdib niya at naiiyak na hampasin siya sa dibdib "Dahil sa pamilya mo nasira ang buhay ko! Nawala ang nga magulang ko!dahil sayo hindi ko man lang nakita ang mga magulang ko bago sila mawala!tapos sasabihin mong sorry?!" Bulyaw ko habang nanginginig sa galit ang buong kalamnan ko. "Kung hindi lang dahil sa responsibilidad ng pamilya namin sainyong mga Aragon unang beses pa lang kita nakita pinatay na kita." Galit na galit na sambit ko bago marahas na pinunasan ang pisngi ko at naglakad palabas ng bumukas ang elevator.