Allison's POV;
Flashback
Simula ng magkaisip kami laging sinasabi samin ni daddy na balang araw daw pag nasa tamang edad na kami kailangan namin paglingkuran ang mga Aragon.
Nung una hindi ko maintindihan dahil mayaman kami katulad ng mga Aragon may mga butler din kami at tauhan pero bakit namin maglingkod sa mga katulad nila.
"Makinig kayo sakin Sky at Allison." Ani ni daddy bago lumuhod sa harapan namin ni ate Sky.
"Sainyong magkakapatid kayong dalawa ni Sky ang masasabi kong matibay at malakas may katangian kayong kahit saan kayo ipwesto makakasurvive kayo." Ani ni daddy bago marahang haplusin ang pisngi ko.
"Malaki ang utang na loob natin sa mga Aragon kaya mula sa kanuno nunuan natin naging tradisyon na ang paglilingkod natin sa mga susunod na henerasyon ng mga Aragon." Dagdag ni Daddy na kinatigil ko.
"Hindi ko maintindihan daddy hanggang kailan?habang buhay?pati ba sa mga anak namin kailangang ipamana ang responsabilidad na ito?" Tanong ko na kinahinto ni daddy bago bumuga ng hangin at tumingin saming dalawa ni Ate.
"Alam niyo kung gaano kahalaga sa mga Lacson ang pangako diba?nangako ang pinaka lolo niyo sa dating Pinuno ng mga Aragon na maglilingkod ag mga Lacson bilang pagbayad ng utang na loob sa mga Aragon." Ani ni Daddy na kinayukom ng kamao ko.
Sa 12 years na existence ko ngayon ko lang naramdaman kung gaano kalaking responsabilidad ang haharapin naming magkakapatid.
Hindi ko alam kung anong utang na loob yun para ganun ganun na lang mangako ang pinakalolo namin na paglilingkuran ang mga Aragon habang buhay.
'Promises.' Napapikit ako ng madiin bago itaas ang isang kamay ko sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
Para sa mga normal na tao ang pangako ay isang salita lang pero ewan ko ba sa isa kasing Lacson para na yung isang sagradong salita na hindi pwedeng masira. Sa ganung paniniwala kami pinalaki nina mommy at daddy.
Pag nangako ang isang Lacson kailangan namin yun tuparin dahil buhay ang kapalit sa bawat pangakong bibigkasin namin.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ang mga katulad nila ang kailangan nating paglingkuran." Nanggigil na sambit ko habang nakatingin aa labing dalawang batang nasa field na kasalukuyang pinaglalaruan ang mga katulang nila.
"Sumusunod lang tayo sa utos Allison hindi lang ikaw ang napipikon dito." Sabat ni ate.
Napabuga na lang ako ng hangin bago tumalikod at naglakad papunta sa gubat na pag mamay ari ng mga Aragon.
Mas mabuting magsanay na lang ako kaysa pag aksayahan ng oras ang mga mayayabang na yun, oo mayabang porket mayayaman ganun sila manang mana sila sa ama nila tinatapakan ang mga mahihina.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng makarinig ako ng mga ingay na kinakunot ng noo ko.
'Bawal ang tagalabas dito.' Bulong ko bago humakbang kung saan nanggagaling ang ingay.
"Likod ng palasyo?" Ani ko ng makita ko kung saan lumalakas ang ingay.
"Magsabunutan na lang kaya kayo ang boring niyo."
Napakunot ang noo ko ng makakita ako ng mga bata na nasa malawak na parang hanggang sa matulala ako ng makita kong nagpapatayan na sila.
"Wag kang mangialam dito Jedal!"
Lalabas ako sa damuhang pinagtataguan ko ng makita sa hindi kalayuan ang mga tauhan ng mga Aragon kasama ang hindi mabilang na mga militar na nakapaligid sa parang na kinalaki ng mata ko.
'A-Ano ito?'
Nang pagmasdan ko ang mga bata na nasa limang taon hanggang labing anim na taon hindi ako makapaniwalang mas malaki ang pagkakahawig nila kay Lord Aragon.
"Hindi ako nangingialam!natatamaan niyo yung ginagawa ko." Bulyaw ng batang nasa anim na taong gulang na may hawak na shot gun at mukhang inaassemble niya yun.
"Free time natin ito Jedal dapat nageenjoy tayo hindi pa ba nangangalawang yang mga kamay mo at puro baril ang hawak mo." Ani ng batang lalaking nakasabit sa isang sanga ng puno habang nakabaliktad at sa baba naman nito ang batang lalaki na natutulog.
"Killua saan ka pupunta?"
"Papakamatay." Bored na sagot ng batang naglalakad papunta kung saan.
"Ito tali sabit mo na lang leeg mo diyan."
"Allison." Muntikan na akong mapasigaw ng nay humila sakin at takpan ang bibig ko.
'Madison.'
"Hindi tayo dito pwede tara na."bulong ng kapatid ko bago ako hilahin papunta kung saan.
"Sino ang mga batang yun?" Tanong ko habang hilahila ako ni Madison papunta kung saan.
"Sila ang mga tunay na Aragon." Bulong ni Madison na kinatigil ko.
'Aragon?'
---
"Umalis kana bata kung ayaw mong masaktan!" Bulyaw ng mama na gustong maghimasok sa teritoryo ng mga Aragon mukha lang naman kasi mga itong mga mayayabang na sanggano sa kalye.
"Kung gusto niyo pa mabuhay ng matagal tagal umalis na kayo dito maawa kayo sa pamilya niyo." Banta ko.
Oo mas nag aalala ako sa mga sangganong ito kaysa sa mga Aragon na bantay namin dahil alam kong oras na makalampas ang mga ito sa gubat sasambulat ang utak nila sa damuhan ng hindi pa sila nakakaisang hakbang.
"Aba ang talas ng dila mo ah sino ka para pagsabihan ako ha?!" Napasinghap ako ng hablutin niya ang panga ko.
Kakawala ako ng biglang may tumalsik na malapot na bagay sa mukha ko kasabay ng pagsisigaw ng lalaki ang pagtingin ko sa suot kong puting damit na namantsahan ng dugo ng tumalsik kung saan ang kamay ng lalaking may hawak sa panga ko kanikanina lang.
"Tangna kang bata ka!" Literal na nanlaki ang mata ko ng pag angat ko ng wala pang ilang segundo ako nakakalingat nagkalat na sa sahig ang ibat ibang parte ng mga mama kanina at nasa harapan ko na ang batang nasa tansya ko nasa Sampung taong galong.
"Hindi ka dapat andito." Para akong nabato sa kinatatayuan ng bahagyang lumingon ito sa pwesto ko at walang buhay na salubungin ang mata ko gamit ang kulay ginto niyang mga mata.
End of the flashback.
"Nasa abandonadong gusali si Alex na malapit dito." Walang buhay na sambit ko bago tumalikod at humakbang palayo.
"Allison." Napatigil ako ng mabilis niyang hawakan ang braso ko.
"Don't touch me." Bulong ko bago tabigin ang kamay niya at walang tingin tingin na humakbang paalis.
"Ayaw na ulit kita makita." Walang buhay na sambit ko bago buksan ang elevator at pumasok.
Sasara na yun ng may brasong humara dun na kinalaki ng mata ko ng pumasok si Bullet.
"Anong kailangan mo?" Nanggigil na sambit ko hahawakan niya ako ng mabilis kong iniangat ang kamay ko at malakas siyang sampalin na kinatigil ko ng bahagya dahil wala man lang itong reaksyon sa ginawa ko.
"Ikaw yung bata sa gubat diba?" Tanong niya na kinatahimik ko.
"Bakit?papatayin mo ako ulit?" Walang emosyong tanong ko na kinatahimik niya.
"Natrap mo na ako gawin mo na." Sambit ko habang nakayukom ang kamao.
Parepareho lang sila mga mamatay tao.