Mharimar's POV “Give her the most beautiful dress that will suit her, Miss." utos ni Nash sa isang sales lady. Nandito kami ngayon sa loob ng boutique. Naghahanap ng maisusuot ko mamayang gabi. Ilang oras na lang ang natitira para sa oras ng meet and greet dinner. Halos wala namang nagustuhan si Nash sa mga ipinapakita ng sales lady sa kaniya. "Nash, hindi na lang ako sasama." napakamot ako ng wala sa oras. "Wala naman kasing bumabagay sa 'kin." dagdag ko pa. "Sinong nagsabing wala? Hindi ko lang nasisilayan pa ang mas pinakamaganda at fit na dress para sa 'yo." "Pero kasi...sayang ang oras mo sa kahahanap ng maisusuot ko. Kung nagbihis ka na at naghanda hindi ka na sana ngayon nahihirapan sa kahahanap ng dress para sa akin." "Don’t say that. I’m enjoying what I’m doing, Mhari.

