5 First day

2343 Words
Mharimar Nandito ako ngayon sa building kung saan tinuro sa akin ni Lola na puntahan. Ano nga pala pangalan ni Lola? Hindi ko man lang naitanong kung anong pangalan niya. Tama naman siguro itong pinuntahan kong building. Yung address na nakalagay dito ay alam kong ito na nga 'yon. Hindi kaya ako naliligaw. Napatingala ako sa napakataas na building. Binasa ko ang nakasulat doon. "The Jill Group." Huminga akong malalim bago pumasok sa loob ng mataas na building. Nanlamig ako bigla sa lamig ng aircon. Hindi ako sanay. Napalingon ako sa paligid. Ang laki ng lobby, puting tiles, makintab na sahig, at mga taong abalang naglalakad. Humigpit tuloy ang kapit ko sa brown folder na hawak ko. Dito nakalagay ang résumé ko. Kaya mo ’to, Mharimar, bulong ko sa sarili habang sinusubukan pakalmahin ang sarili dahil sa kaba. Nilapitan ko ang front desk. Hindi na ako mahihiya. Kailangan ko 'to kaya dapat lakasan ko ang loob ko. “G-good morning po, ma’am. Mag-a-apply po sana ako,” mahinahon kong sabi kahit kinakabahan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ano kayang problema? Maayos naman itong suot ko. Naka-skirt nga ako at white longsleeve. Naghanda kasi ako para dito. Hindi kasi basta-basta itong inaapply-an ko. Talagang kinapalan ko itong aking mukha. "Ahm!" tumikhim ito. "Anong position ang gusto mong apply-an?" tanong nito habang abala sa computer. "K-kahit ano po sana. Kung anong available." Napasulyap ulit siya sa akin tsaka nagtaasan ang kaniyang mga kilay. Mali ba yung sagot ko? "Pakihintay na lang sandali, ipapasa ko lang ito sa HR,” sabi niya. Tumango na lamang ako at umupo sa waiting area. Habang nakaupo, napatingin ako sa paligid, sa mga empleyadong dumadaan sa aking harapan. Yung iba abala sa cellphone, yung iba naman ay may hawak na kape. Sana ako rin. Sana balang araw, may sarili rin akong ID na may pangalan ko at logo ng kumpanyang ‘to. Ang babaw ng kaligayahan ko. Ang babaw rin ng pangarap ko. Dumiin ang pagkakahawak ko sa aking folder. “This is it,” mahina kong sabi. “Simula ng bagong buhay. Fighting!” "Miss!" Napalingon ako ng marinig kong tila ba may tumatawag sa akin. Yung babaeng nasa fromt desk, tinatawag niya ako. Tumayo kaagad ako para lapitan ito. "Ako ba ang tinatawag mo?" tanong ko dito. "Dumiretso ka na sa HR office. Naroon na lahat ng applicant for interview." "Ganoon ba." napakamot na lang ako sa batok. Hahanapin ko na naman ang HR office. "Dumiretso ka lang makikita mo ang HR office." sabi nito. "S-sige hahanapin ko na lang. Salamat." Nag-umpisa na akong maglakad. Naka-ilang hakbang na ako ng may marinig akong ingay. Mga boses ng babae. "Balita ko hotness overload daw yung CEO." "Sobrang gwapo." Sari't sari ang mga narinig ko nang makalapit sa mga ito. Nakita ko rin sa wakas ang HR office. "Excuse me, mga aplikante rin ba kayo?" tanong ko sa mga ito. Tatlong babae na nagkukumpulan at nakabukod sa ilang magka-grupo na mga babae. "Sino ka ba?" masungit na tanong ng isang babaeng straight ang buhok. "Ako si Mharimar, mag-aapply din sana ako rito." Sabay-sabay nila akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Alam mo ba kung anong aapply-an mo?" maarteng tanong naman ng isa na mini skirt ang suot. "Ahm, oo naman." "Kung ako sa 'yo hindi na ako tutuloy. Magaganda at sexy lang tinatanggap dito noh? Look at yourself, para kang manang diyan sa suot mo. Nakasuot ka pa ng salamin." sabay-sabay silang nagtawanan. Nakatanggap na ako ng panlalait, pinagtawanan pa nila ako. Sabi ko na nga ba hindi ako nababagay sa trabahong ito. Nakatanggap pa tuloy ako ng panlalait. "Miss. Baranella! Please come inside!" sabay-sabay kaming napatingin doon sa babaeng dumungaw sa pinto. "Yes, it's me!" nagtaas ng kamay ang babaeng kanina lang ay nanlait sa akin. "Look, I'm sure I'll be the one who gets hired." confident na sabi nito tsaka pumasok sa loob. Nanatili na lamang akong tahimik sa tabi. Para bang wala akong laban sa kanila. Napaka-sexy nila at napakaganda pa. Habang ako, ito nakasalamin, mahabang skirt ang suot at kulot pa. Habang sila straight ang kanilang mga buhok. Ilang minuto ang lumipas bago muling bumukas ang pintuan. Bagsak ang mga balikat ng lumabas ang babaeng nanlait sa akin. "Ano? Natanggap ka ba?" sabay-sabay na tanong ng dalawang kasamahan nito. Parang maiiyak na tsaka unti-unting umiling. "Ang yabang mo kasi eh!" natatawang sabi pa ng isa. "Ano pa ba kasi hinahanap nila? Nasa akin na lahat." naiiyak na sabi ng babae. "Hindi ka pa daw sapat. Baka nasa aming dalawa ang swerte." sabi pa ng isa. Pinapanuod ko na lamang sila. "Miss Casia! Next!" sigaw ulit ng babaeng dumungaw sa pintuan. Isa pa sa kasamahan nila ang tinawag ngunit ng lumabas ay ganoon din ang expression ng mukha. Naiiyak na para bang natalo sa pusoy. Sunod na tinawag ay isa pa nilang kasamahan ngunit wala pa rin pinagbago sa mukha nito ng lumabas. "Wala man lang sa ating tatlo ang natanggap. Kung wala e 'di sino?" sabay-sabay silang napatingin sa akin. "Imposibleng matatanggap ang babaeng 'yan. Hindi na nga tayo natanggap 'yan pa kaya." narinig ko na naman na sabi ng isang babae. Para bang gusto ko na lamang umalis. Maghanap na lang ng ibang trabaho na nababagay sa akin. Nagsasayang lang yata ako ng oras dito. Alam ko naman na malaking kompanya ito kaya imposible talagang matatanggap ako dito. Bago pa man nila ako pagtawanan ay tumayo na lamang ako para umalis na. Hindi na ako magpapa-interview. Uuwi na lamang ako. "Back out ka na ba?" natigilan ako ng marinig na naman ang boses ng tatlo. Napalingon ako. Ako nga ang kinakausap nila. "Uuwi ka na ba? Hindi mo ba hihintayin yung interview mo?" tanong ng isa sabay tawanan na naman silang tatlo. Hindi ko na lamang sila pinansin. Naglakad na lamang ako palabas dahil hiyang-hiya na ako sa mga pinagagawa nila sa akin. Ang taas din kasi ng lipad mo eh! Hindi ka naman nababagay maging personal assistant. Ayan tuloy nasaktan ka ng sobra. Palabas na ako ng building ng marinig kong may tumatawag sa pangalan ko. "Ms. Mharimar Buret, kindly proceed to the HR office." Paulit-ulit ko iyon narinig. Lahat yata dito sa building ay makakarinig dahil sa lakas ng anunsyo na iyon. Natigilan ako. Alam ko naman kung bakit ako pinapapunta doon sa HR. Dahil nga sa interview ko ngunit umalis ako. Hays! Ayaw ko ng tumuloy. Aalis na lamang ako. Palabas na ako ng exit nang marinig kong may tumatawag sa akin. "Miss!" Napalingon na naman ako. Isang bodyguard ang tumawag sa akin. Nagmadali rin itong lumapit sa akin. "Ikaw ba si Ms. Buret?" tanong nito. Napatango naman ako. "A-ako nga." "Sumunod ka sa akin. Ipinatatawag ka sa HR office para pag-usapan ang pasok mo bukas bilang personal assistant." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Halos hindi makapaniwala. "S-sigurado ka ba diyan?" "Sigurado kung ikaw si Ms. Buret." "A-ako nga 'yon." hindi ko malaman ang nararamdaman ko ngayon. May saya at kaba dahil magsisimula na ako bilang personal assistant. Bakit sa dina-raming magaganda at sexy kanina na aplikante ako pa? Himala naman yata 'yon. "Halika na, sumama ka na sa akin." Dahil tuwang-tuwa ako, sumunod na lamang ako sa kaniya. Dinala niya ako sa HR office. Pagdating ko doon naroon pa rin ang tatlong babae na nanlait sa akin. "Bakit nandito ka pa? Hindi ba't umalis ka na?" maarteng tanong ng babae sa akin. "Ipinatatawag daw kasi ako kaya ako bumalik dito." nakangiting sagot ko. "Don't tell me...ikaw si—" "Ms. Buret, pumasok ka na sa loob." sigaw ng guard kaya nagmadali akong pumasok sa loob. Hindi ko na alam kung ano pa ang naging reaksyon ng tatlong babaeng nanlait sa akin. Pagpasok ko sa loob ay nasilayan ko ang isang babaeng nakaupo sa swevil chair. "Maupo ka." paanyaya niya kaya maingat akong umupo sa bakanteng upuan kaharap niya. Tinitingnan niya ang resume ko. Habang ako tahimik lang na nakaupo sa harap ng mesa. Hindi ko na maipaliwanag ang kaba ko ngayon lalo pa at kaharap ko na ngayon ang nag-iinterview sa akin. “Ms. Buret,” sabi niya tsaka ito tumingin sa akin ng diretso. Tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa. “Walang masyadong magandang impormasyon sa resume mo. Wala kan rin experience, at wala ring special training.” panimula niya. Napayuko ako. Alam kong totoo naman. Wala akong credentials na maipagmamalaki. Isa lang akong simpleng aplikanteng umasa na baka sakaling matanggap. Kung hindi nga lang din kay Lola hindi ako maglakas loob na pumunta dito. Bumuntong-hininga ang babae. “Pero,” aniya, “Maswerte ka dahil Ikaw ang napili para sa posisyon.” Napatigil ako habang nanlaki ang mga mata. Hindi makapaniwala. "A-ako po?" Totoo ba talaga 'to? Totoo pala yung sinabi ng guard kanina? Tumango siya. “Oo. Dahil may isang taong nagpresinta at pumili sa 'yo." Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Sino naman kaya ang taong 'yon? “Ma'am… sino po ‘yung—” hindi ko natapos ang tanong. Ngumiti lang siya, isang misteryosong ngiti. "Malalaman mo rin soon. Basta't humanda ka na for tomorrow." Ayaw niyang sabihin kung sino ang taong pumili sa akin. Binabagabag tuloy nito ang isip ko. "Congratulation, Ms. Buret." tumayo na ang babae at inilahad sa akin ang palad niya. "M-maraming salamat po." tinanggap ko rin naman ito. "Bukas, 7: 30 dapat nandito ka na. Ikaw na rin ang mag-aayos ng table mo. Alisin mo mga naiwang gamit ng dating personal assistant maliwanag ba, Ms. Buret?" "O-opo, ma'am." "Maaari ka ng lumabas." Halos walang mapaglagyan ang aking tuwa ng lumabas sa HR office. Lahat sila ay napatingin sa akin. "Don't tell me, ikaw pa yung natanggap?" masungit na tanong ng babae sa akin. Sila yung nanlait sa akin kanina. "Ako nga." sagot ko. Ngayon, wala na akong dapat na ikahiya dahil ako ngayon ang natanggap. "What?" sabay-sabay nilang sambit. "Paano nangyari 'yon?" "Hindi ko rin alam. Huwag niyo sanang masamain pero kailangan ko ng umalis. Maiwan ko na kayo." nakangiting sabi ko sa kanila tsaka tinalikuran na ang mga ito. Ang saya-saya ko. Ang lapad ng ngiti kong lumabas ng building. Sa wakas! May trabaho na ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. ---- Pagdating ko nga sa apartment ay kaagad kong dinaanan si Lola. Nasa kabilang apartment lang kasi siya nakatira. "Lola! Tao po!" paulit-ulit kong katok sa pinto ngunit walang sumasagot. "Ineng, si Lola Maria ba hinahanap mo?" tanong ng kapitbahay ko. Maria pala pangalan ni Lola. "Opo, siya nga po." "Wala siya diyan. Mukhang next week na naman makakabalik 'yong matanda diyan. Palagi naman wala diyan si Lola Maria. Isang araw lang siyang namamalagi diyan sa apartment niya." "G-ganoon ba." Saan kaya nagpunta si Lola. Ibabalita ko pa naman sana sa kaniya na natanggap ako bilang personal assistant. Sa susunod na lang siguro kapag nakabalik na siya. Saan naman kaya siya nagpunta? Bukod kaya dito sa apartment may iba pa siyang tinitirahan? Siguro, mga anak niya. Bumalik na lamang ako sa apartment ko. Natigilan ako ng makitang may isang delivery boy na nasa pintuan ng apartment ko Ano kaya ang kailangan nito? "Anong kailangan mo?" kaagad na tanong ko dito. "Ikaw ba si Ms. Mharimar Buret?" "Oo, ako nga." "May package po para sa inyo." sabi nito. "Package? Galing kanino?" Nang makuha ko ang box ay kaagad kong tiningnan kung saan ito galing. Napaawang ang labi ko ng makitang galing ito sa 'The Jills Group' "Pakipirmahan na lang po, ma'am." Kaagad ko itong pinirmahan. Nang makaalis ang lalaki. Pumasok kaagad ako sa loob para tingnan kung anong laman ng box. Habang binubuksan ko ito napapangiti na lang ako. Tumambad sa akin ang iilang mga uniform. Black skirt at white longleeve. Mga sampung piraso ng pares yata ito. Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwalang may trabaho na ako. Hanggang sa pagtulog nga ay iniisip ko ito. Excited na rin ako para sa first day ko. Hindi tuloy ako nakatulog. Kinaumagahan nga ay ramdam ko ang pamimigat ang aking mga eyebags. Tiningnan ko kaagad ang sarili sa salamin. Naku naman! Kung kailan first day ko sa trabaho ang lalaki ng mga eyebags ko. Mabuti na lang may suot akong salamin kaya hindi masyadong halata. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin ng maisuot ko na ang uniform. Ang cute, para akong college student. "Nay, para po ito sa inyo ni Mervin." bulong ko tsaka huminga ng malalim. Mag-aalas siyete na kaya binilisan ko na ang aking pagkilos. Sasakay pa ako ng jeep kaya dapat sa mga oras na ito nakaalis na ako. Nakakahiya kapag na-late ka sa first day mo. Baka first day pa lang pinaalis na ako. Hindi na nga ako nakaayos pa ng pagsuklay ng buhok ko. Isinuot ko na lang ang aking salamin tsaka lumabas na ng apartment. Ilang minuto na lang ay ma-le-late na ako. Pagdating nga sa building ay kaagad akong nagtanong kung saan ang office ng boss ko. Alam naman kaagad nito ang assignment at naituro naman kaagad sa akin. Halos takbuhin ko na ang elevator habang nakabukas pa ito. "Wait!" sigaw ko tsaka iniharang ang kamay ko doon para makapasok ako. Iisang tao lang naman ang kasabay ko pero sobrang bango naman nanunuot sa ilong ko nang tuluyan akong makapasok ako sa loob ng elevator. "What do you think you're doing, huh?" isang baritonong boses ang narinig ko mula sa aking likuran. "B-bakit? May problema ba?" tanong ko dito. "Didn’t anyone tell you that I don’t want anyone with me in the elevator?” Grabe naman. Siya ba yung tipong taong gustong laging mag-isa. Kahit sa elevator ayaw niyang may kasabay. "P-pasensya na po. Nagmamadali po kasi ako." nakangiwing sabi ko dito na hindi man lang lumingon sa kaniya. "First time kong sumakay dito kaya medyo takot akong mag-isa. Isa pa, ma-le-late na ako at kapag na-late ako siguradong matatanggal ako. Kasisimula ko pa lang naman ngayon." mahabang paliwanag ko sa kaniya. Hindi man lang ako tumingin sa kaniya hanggang sa tumunog at bumukas ang elevator. Tumakbo kaagad ako palabas at tinahak ang office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD