CHAPTER 27 "Nakausap mo na ba si Mr. Marquez?" tanong ni Vincent sa kanya. Sinadya siya nito sa kanyang opisina at nang-uusisa tungkol sa naganap na pakikipag-usap niya sa isa sa mga malalaki nilang kliyente. "I went to his office yesterday." True. Sinadya niya ito sa opisina nito and talked to him. Pero wala ding silbi. Wala ding nangyari sa pakikipag-usap niya dito. "So, what do you plan now?" tanong nito na namulsa pa ng mga kamay. Nagkibit-balikat lamang si Jake. "Hindi lang naman siya ang kliyente ng OMC. The company will still stand without him." Napabuntong-hininga si Vincent sa sagot niya. Lumapit ito sa isang bureau sa gilid ng kanyang opisina. From there ay sinalinan nito ang dalawang kopita ng isang mamahaling alak. Bitbit ang dalawang kopita ay naglakad ulit ito palapit sa