CHAPTER 28 Gusto maging abala ni Francheska ng sumunod na araw. Gusto niyang maraming gawin sapagkat sa tuwing nababakante siya ay walang ibang laman ang isip niya kung hindi ang sitwasyong mayroon siya ngayon. Maaga siyang pumasok sa Health Well ng umagang iyon. Natutulog pa si Jake nang gumayak siya papunta sa trabaho. Alam niyang magtataka ito kung bakit hindi niya ito hinintay sa pagpasok, katulad ng nakaugalian na nilang gawin. Nasanay na rin ito sa routine na meron silang dalawa sa araw araw. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya makahanap ng lakas ng loob na makaharap ito... na makasama at makasabay ito. Ibig niyang mabigyan muna ng distansiya silang dalawa ng binata. Dahil sa totoo lang ay sa kanilang dalawa, parang siya lang ang nahihirapan at naaapektuhan. Kapag natapos na