Chapter 47

1417 Words

Iniwan muna ni Darcelle ang mga bisita niya dahil sa bigat ng kanyang dibdib. Gusto niyang huminga nang malalim at punuin ang baga ng hangin kaya pumunta siya sa likod ng kusina kung saan sila nag-usap kanina ni Claude. Baka naman ay magiging okay lang siya pero napaiyak naman habang iniisip ang binata. Napahagulhol siya kahit nakatutop ang kamay sa bibig. “Darcelle, anak?” Nagmula sa likuran niya ang ina. “Umiiyak ka? Bakit?” Agad niyang pinahid ang luha bago humarap. “H-hindi naman ako umiiyak, Ma.” “Hindi mo maitatago sa ‘kin ‘yan, anak. Alam kong may dinadala ka. Sabihin mo na sa ‘kin ang totoo.” “Baka nag-aaway lang ‘yan at si Claude, mahal,” sabat ng ama niya. “Alam mo naman ‘yan paminsan-minsan. Daig pa sa aso’t pusa kung magbangayan kaya kung umiiyak ‘yan, dapat ngang hindi na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD