Kahit na lasing na si Darcelle ay hindi siya makatulog. Pabiling-biling siya sa kanyang kinahihigaan kahit na katabi niya si Danette. Hindi kasi siya umuwi ng apartment niya dahil hindi siya puwedeng magmaneho. Nag-text sina Carla at Jenna sa kanya at sinabing inihatid ng mga ito si Claude sa condo nito dahil sa sobrang kalasingan daw. Marami raw itong sinasabi tungkol sa kanya. Nagpaulan pa noong lumabas ng bar nang sunduin ng mga ito. “Gago ka talaga, Claude!” usal niya sa sarili. Bumangon siya para uminom ng kape at nagbaka-sakaling mahimasmasan sa pagkalasing niya. Dalawang tasa iyon at hindi niya hinaluan ng sugar kaya naman ay sobrang pait. Parang love life niya lang. Pagkatapos niyon ay uminom siya ng gatas. Para na siyang loka-loka. As if namang makatulog siya kapag nakainom ng

