Hindi na nagpadala ng hamper baskets si Claude kay Darcelle na hinahanap-hanap niya. Hindi na rin ito nag-te-text sa kanya kahit “good morning” o kaya “kumusta” man lang. Miss na niya ang tawagin siya nitong hippo, lalo na ang my baby hippo. Pumunta siya sa ladies’ room at napasunod lang ng tingin sa kanya si Feliz. Nag-aalala ito at may simpatya sa mga mata. Habang naghihilamos ng kanyang mukha habang umiiyak nang tahimik ay nakita niyang lumabas sa isa sa apat na cubicles si Sam. Napatingin ito sa kanya sa pamamagitan ng salamin habang naghuhugas ng kamay. “So, how are you and Claude?” tanong nito sa kanya. “I should ask you that, Sam,” marahang tanong niya at kumuha ng paper towel para ipampunas sa kanyang basang mukha. “Alam mo, pinapahirapan n’yo lang ang sarili n’yo, Darcelle. K

