‘Diyos ko! Kailangan yata nito ng ospital. Gago talaga!’ Bigla nag-aalala si Darcelle sa binata. “Claude! Claude! Gumising ka nga. Punta na tayong ospital!” Pinipilit niyang gumising ang binata, niyugyog ito sa balikat. Bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay at marahan itong pumihit paharap sa kanya. “Ayoko. Ayokong magpa-ospital. Dito ka lang, hippo,” anito na parang garalgal ang boses at nanginginig. Bigla siya nitong hinila at niyakap. “T-teka lang!” tutol niyang pilit na umupo mula sa pagkakahiga dahil sa pagkakayakap nito sa kanya nang mahigpit. Tuloy ay naalala niya ang nangyari sa pagitan nilang dalawa noon. “U-uminom ka na lang muna ng gamot para sa lagnat at ubo mo… at sabaw na rin. May hangover ka rin yata, eh.” Mabilis na niyang kinuha ang gamot at sabaw na ang ipinainom n

