Vincent’s POV “Hayaan mo siyang magalit Kal. Hayaan mo siyang magwala at balutin ang puso sa poot at paghihigante. Dapat lang, para magawa na natin ang plano natin nang maayos. Pansamantala lang naman ang galit niyang iyon. She will then know soon the purpose from all of these.” Wika ko kay Kal. Nakatayo ngayon ang bodyguard ko sa aking harapan. Habang ako naman ay nakaupo sa swivel chair sa tapat ng aking mesa. Nakatingin ako sa malawak na siyudad at ni isang beses ay hindi tiningnan si Kal. “Pero parang totoo na yata ang galit niya Sir. Baka mahihirapan tayong ibalik ang tiwala niya. Baka tuluyan na siyang mawalan ng pakiramdam sa’yo at lumayo na nang tuluyan. Kitagng-kita ko sa mga mata niya ang galit at paghihigante. Baka hindi na natin maibalik ang dating Jillian na kilala natin,