Jillian’s POV Masyado na akong tanga. Masyado na akong marupok kaya tama lang na sa puntong ito ay ang pride at sarili ko naman ang iisipin ko. Nauna sila, eh. Nauna silang saktan ako kaya tama lang na ibalik ko sa kanila ang mga iyon. They forced me to be like this and I must stand with it. Ito ang gusto nila kaya pagbibigyan ko sila sa gusto nila. Siguro hindi naman masama ang gumanti. Siguro hindi naman masama ang iblik ang mga kasamaang ipinaranas nila sa akin. Lalo pa at paulit-ulit na lang ang mga iyon. Mabait ako pero may hangganan rin naman siguro ang bait kong iyon. Tulad nga ng sinabi nila. May hangganan talaga ang isang bagay. Walang tabo ang hindi napupuno. Ni an isang malaking drum ay napupuno pasensya pa kaya? Nagtiwala ako. I trusted him multiple times. Hinayaan ko siy