Hindi ako makagalaw sa pinaggagawa ni Mr. Montemayor sa mga labi ko. Gusto ko man siyang itulak para mapigilan siya pero hindi ko magawa. Lalo na at nakapako ang kabilang kamay niya sa leeg ko kaya hindi ako makaayaw kahit pa gugustuhin ko mang umawat.
Nagtagal ng ilang sigundo ang mga halik niyang 'yon. Nakahinga rin ako ng maluwag nang tuluyan na niya akong binitawan. I didn't fight that kiss. Bukod sa nabigla ako ay talagang wala naman akong intensyong makipaghalikan sa lalaking ito.
Hinarap niya ako. Pinilit kong maiwasan ang mapupula niyang mga labi pero hindi ko magawa. Lalo na't sobrang lapit nito sa akin. Amoy na amoy ng sistema ko ang amoy alak niyang hininga. I look at his wet and kissable lips. Napalunok ako ng laway. Mula doon ay naiilang akong pinagmasdan ang mga mata niyang nakatitig lang sa akin.
Ano itong ginagawa niya? Dahil ba ito sa alak kayang niya nagawa ang bagay na 'yon? Wala siya sa sarili.
He smirk. Hindi ko alam kung bakit bahagya siyang natawa sa harapan ko. Nagdedeliryo pa rin ang mga mata niya na halatang hindi dahil sa mga halik na 'yon kung hindi dahil sa alak. Mapupungay ito't halatang wala sa sarili.
Napakunot ang noo kong tinignan niya sa mga mata. Hindi nagtagal ay lumayo rin siya sa tapat ng aking mukha. He leaned the chair saka inilagay sa monobela ang dalawang kamay. He didn't look at me sa halip ay harapan ito nakatingin.
"Tssssk. Pareho lang kayong mga babae. Ayaw lumaban sa mga halik," namumuo ang ngiting pagkabigo sa mga labi niya habang sinasambit 'yon.
Hindi na ako nagsalita pa. Naiilang na talaga ako rito sa tabi niya. Pero sa nakikita ko sa kanyang emosyon ay parang wala lang sa kanya ang mga halik na 'yon. It seems like he's testing and he meant someone.
Tungkol kaya ito sa taong kinikita niya doon sa VIP room?
Halata ang pagkabigo sa kanyang mukha.
"Si-sir. Lasing na po kayo. Kaya niyo pa po bang magmaneho?" I tried to stop him pero naunahan na niya ako. He's now stepping the gas and the car started to engine.
"Hindi ako lasing Miss Bartolome. Nakainom lang," he look at my eyes for a short while. Napaiwas kaagad ako ng tingin doon. He then put his attention back to the road saka nagsimula nang magmaneho.
So, he mean that kiss? For what?
Saktong alas 5:30 na ng hapon kaya hindi na ako tumuloy pa sa opisina. He just drop me in the parking lot.
"It's already 5:30. You can go home now. Agahan mo ang pagpasok bukas, ipapagawa ako early in the morning," he unlock the door saka ako lumabas.
Hindi ko na hinintay pa ang presensya ni Mr. Montemayor. I quickly took my steps away from his car. Dala na rin siguro ng sobrang ilang na naramdaman ko kaya gusto ko na siyang takasan.
I can't imagine. Pangalawang araw ko pa lang ito ngayon pero pakiramdam ko'y parang marami nang nangyayari sa trabahong pinapasukan ko. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang pumasok bukas o hindi na.
It feels like being his secretary is hell. Siguro kaya walang sekretaryang nagtatagal sa kanya dahil sa mga kalokohang pinaggagawa niya.
But how could he become one or the most and influencial CEO in this City? I even heard his name in the radio or see his image in televisions. Paano niya nakamit ang maging isang batang CEO kung ganoon ang pinaggagawa niya?
Kinabukasan, maaga akong nagising. Tulad ng sinabi ng kumag na 'yon ay alas 6 ay tapos na akong maligo. Gugustuhin ko mang hindi na pumasok at hindi na babalikan ang malademomyong trabahong 'yon pero hindi ko magawa. Lalo na't kailangan ko ng trabaho sa mga panahong 'to. Kung pwede ko lang sanang linsanin ang kompanyang 'yon pero hindi pwede e. Lalo na ngayong kailangan ko ng permanenteng trabaho.
Kaya kailagan kong tiisin ang mga pinaggagawa ni Mr. Montemayor sa akin alang-alang sa mga pangangailangan ko. Habang hindi nakakamatay ay kailangan kong magtiis. Hahabaan ko na lang ang pasensya ko gayong iyon naman talaga ang kailangan.
I am the one who badly need a job kaya ako itong kailangang magparaya ang mag-adjust.
Saka siguro isang beses lang naman yata niyang gagawin ang bagay na 'yon. Siguro hindi na niya uulitin ang ginawa niya sa akin sa loob ng kotse na 'yon kahapon.
He was drunk at halata namang kailanaman ay hindi niya gusto ang mga halik na 'yon. He's testing me and that's it. Wala nang iba.
Alas 7 nang makarating ako sa opisina. Tulad ng inaasahan ko ay naroon na si Mr. Montemayor sa mesa niya. Hindi ko pa nga nailagay ang dala kong mga gamit sa mesa pero narinig ko na ang apilyido ko mula sa kanyang bibig.
"Ano po ang ipapagawa mo sa'kin?" I asked him directly. Nakatayo ako ngayon sa harap niya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
He didn't make any statement. Sa halip ay ibinigay niya sa akin ang makapal na mga papel na alam kong tratrabahuin ko na naman buong araw.
"Review those papers. Siguraduhin mong tugma ang mga data, " he said in a low tone voice. Nakatuon lang ang atensyon niya sa monitor ng kanyang computer.
Without any butts, I bring the papers with me back to my desk. Doon ay inisa-isa ko ang mga papeles na ibinigay ni Mr. Montemayor. Marami rin ang mga 'to kaya alam kong ito ang pagkakaabalahan ko buong araw.
Thanks God at wala siyang scheduled meeting for today kung hindi tuluyan na akong manghina sa trabahong ito.
It's quite tiring, yes. Pero sa tuwing iniisip ko ang mga kailangan kong suportahan sa buhay ay nawawala ang pagod ko. Palagi kong naalala kung gaano kahalaga ang pera sa buhay ko. Kaya hindi dapat ako susuko.
Isang beses lang naman ang pagod. Kunting pahinga lang at mawawala rin. Mahirap kaya maghanap ng trabaho sa panahon ngayon kaya kapag nakakita ka na, you shoulf grab the opportunity at h'wag hayaang makawala.
Nang mapansing lumabas si Mr. Montemayor ay doon na ako nakahinga nang maluwag. Ewan ko ba kung bakit parang pinagmamasdan niya ako bawat sigundo. Hindi naman niya ako kinulong pero pakiramdam ko ay nakamasid siya sa bawat galaw ko.
Kaya nang lumabas siya sa opisina ay doon na ako nakahinga nang maluwag. Akas 11:30 na rin naman kaya lumabas na rin ako kalaunan para kumain. Lagpas na nga. 11 is my break time kaya lagpas na ang oras ko. Kung tutuusin ay hindi na ito makatarungan.
Siguro kasama na 'yon sa pagiging sekretarya. Nakasaan kasi doon na "Don't leave your work unfinished". Pero alangan namang hindi ako kakain hindi na? Marami pa naman ang mga papeles na ito. Ni hindi ko nga alam kung matatapos ko ba ito ngayong araw sa sobrang dami.
Dumiretso na ako sa canteen. Bagamat lagpas 30 minutes na kaya hindi ko maiwasang maging matakaw sa pagkain. Alas syete pa kaya ako rito at ni breaktime ay hindi ko nagawa dahil sa takot na umalis sa opisina.
I am sitting in the table alone. Hindi ganoon karami ang tao sa canteen sa mga oras na ito gayong alas 12 pa ang breaktime ng ibang staff rito. Siguro tanging mga secretary lang ang may ibang breaktime.
Nakuha ang atensyon ko nang mapansin ang presensya ng lalaking bigla na lang umupo sa tabi ko. Hindi kaagad ako napalingon doon lalo na at nasa gitna pa ako ng pagsubo.
"Nag-iisa ka yata rito Miss Bartolome," naagaw ang atensyon ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
Kaagad akong napapunas ng labi gamit ang tissue sa harapan ko. I quickly put my attention towards him. He's now smiling while looking at my face.
Mula sa mga mata ay bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Alam kong may mali roon kaya kaagad akong napayuko. He's about to touch my cheek pero naunahan ko siya. Using my tissue, I wipe my cheek for the second time.
"I already seen you yesterday. Chad nga pala, I'm from finance department," inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
Ngumiti ako. Hindi lang yata ako sanay na may makausap na ibang trabahante sa kompanyang ito lalo na't baguhan lang ako rito. But now, I can feel that I'm welcome with this man in front of me. Sa pakikitungo pa lang niya sa akin ay halatang mabait at magaan ang loob ko sa kanya.
"Jillian," tinanggap ko ang kamay niya. He smirk.
"Yes. I know you. Ikaw ang bagong secretary ni Mr. Montemayor. How is he?"
Napailing ako sa tanong niya. Alam ko na ang ibig niyang sabibin. Sa boses pa lang niya ay alam kong alam niyang hindi madali ang pagiging sekretarya ng isang CEO sa kompanyang ito.
"Matagal ka na ba rito?" I tried to change the topic. Gusto ko rin namang malaman kung anong klaseng CEO si Mr. Montemayor. Kahit na halata na sa pakikitungo niya sa'kin noong unang araw pa lang ng trabaho ko.
"Matagal na," ngayon ay nagsimula na siyang sumubo ng pagkain.
Sa kung saan saan na napunta ang usapan namin ni Chad. Unang pagkikita at pag-uusap pa lang namin ngayon pero nararamdaman kong mabait siyang kaibigan. I can feel the comfort beside him. Kahit papaano ay naibsan rin ang nararamdaman ko sa tuwing nasa tabi ako si Mr. Montemayor.
Hindi ko na namalayan ang oras. Huli na nang mamataan kong 12:40 na pala ng tanghali. Nagmamadali kong niligpit ang pinagkainan ko.
Alas 12 ay dapat naroon na ako sa opisina. One hour lang ang lunchtime ko at ngayong lagpas na nang isang oras ay tiyak na malalagot ako sa kay Mr. Montemayor.
Mabilis akong nagpaalam sa kay Chad. Pansin ko ang pagtawag niya sa'kin pero hindi na ako lumingon doon lalo na't kailangan ko na talagang bumalik sa opisina.
I'm almost one hour late!
Pagkarating sa opisina ay unang sumagi sa mga mata ko si Mr. Montemayor. He's sitting in his table quietly. Hindi niya ako tinapunan ng tingin kaya nakahinga rin ako nang maluwag kahit papaano.
I put my attention to my table. Gaya ng ginawa ko kanina, I continued checking the papers. Hindi nagtagal ay naagaw ulit ang atensyon ko sa biglaang pagbukas ng pinto nitong opisina. Huli na nang mamataan ko si Chad sa aking harapan.
Sa hawak niyang bagay sa kanyang kamay unang dumapo ang atensyon ko.
"You left your wallet," he smiled while puting my wallet in my desk. Ngumiti ako pabalik.
Bumaling ang atensyon ni Chad sa kay Mr. Montemayor. Yumuko ito na halatang nagbigay galang bilang CEO nitong kompanya.
"Good afternoon po Mr. Montemayor," he greeted. Pinasadahan muna ako ni Chad ng tingin bago siya tuluyang lumabas nitong office. I followed him until he completely disappear in my vision. Nakangiti akong ibinalik ang atensyon sa pitaka kong hindi ko namalayang naiwan ko pala sa canteen kanina. Dahil na rin sa pagmamadali.
"What time is it?" Napawi ang ngiti ko nang marinig ang boses ni Mr. Montemayor. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang relos ko gayong alam kong ala una na.
"Sorry po. Hindi ko lang namalayan ang oras. Hindi na po mauulit," yumuko ako para maiwasan ang mapanuyo niyang mga tingin.
Hindi ko man tanaw pero alam kong matinik niya akong tiningnan sa mga oras na ito. Halata ang pagkakainis sa reaksyon niya at sa tono pa lang ng kanyang boses.
Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa kanya para makita ang reaksyon niya. His jaw are now clenching. Sa bawat pag-tiim ng kanyang bagang ay nagpapatunay lang 'yon sa galit na meron siya.
"Alam mo bang nakailang tawag na ako sa'yo? I used your attached number in your resume pero hindi kita ma-reach. Isang oras para sa lunch is enough Miss Bartolome," bagsak ang boses niya habang sinasambit 'yon. Halatang naiinis na talaga siya.
I swallowed my own saliva. Sa sobrang takot ay iniwasan ko siya ng tingin.
"Si-sir, wala po akong phone," I quickly said. Hindi na ako tumingin pa sa kanyang mukha lalo pa't mas lalo ko lang naramdaman ang takot kapag nakikita ko ang reakasyon niyang nagpapatunaw sa buong sistema ko.
Tumayo siya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa ginawa niya. He's now taking his steps towards me kaya mas lalo lang akong nanlumo.
"Kahit na Miss Bartolome. Even you have it or not, trabaho pa rin ang priority mo. You know how important time is especially at work. Kung nandito ka rin lang naman para makipaghalubilo sa mga lalaking staff, then you applied the wrong occupation. Secretary kita kaya sa akin lang ang atensyon mo. Paano kung may urgent meeting at wala ka rito?"
Mabilis niya iyong sinambit sa'kin. I was about to raise my vision just so I can trace his reaction but suddenly, I realized his thick and menacing looks kaya nanatili lang akong nakayuko at hayaan siyang tingnan ako nang matinik.
Naaplunok ako ng sarili kong laway.
Oo, mali ako. Isang oras akong late pero sana naman iniisip niyang late na rin akong lumabas kanina kaya fair lang rin 'yon.
"Hindi na po---" napatigil ako sa pagsasalita nang bahagya niyang hawakan ang kaliwang kamay ko. He drag me out from the office without saying anything.
I thought he would leave me after putting me outside the office pero sa elevator ang puntan namin. He quickly push the ground floor button at ilang saglit pa ay nagsimula naring bumaba ang elevator.
The elevator filled with silent and hesitation. Ni hindi ko magawang tingnan siya sa mata. Ewan ko ba kung bakit parang kinukulong ako kapag nasa tabi ko siya. My gestures and words are so damn limited.
Paano ako magtatagal sa trabahong ito kung ganoon ang pakiramdam ko? Iyong tipong hindi ka nag-eenioy na animo'y parang palagi kang naiisip.
I let Mr. Montemayor drag me. Hanggang sa makarating kami sa parking area. Nang maipasok niya ako sa sasakyan niya ay doon na ako naglakas loob na magtanong.
"Sa-saan po tayo pupunta sir? May urgent meeting ba?" I ask him. Kahit na halatang wala naman but I used that term "meeting" para naman makabuluhan ang tanong ko.
Hindi niya agad ako sinagot. Inunan niya ang pagpapandar ng makina. I then put my seatbelt on.
"To buy you phone Miss Bartolome," he said in a cold baritone and low tone voice. Hindi niya ako tinignan sa halip ay nagpokus lang ito sa pagmamaneho.
Hindi ako ako nag-react sa sinabi niya. Baka kung aangal na naman ako ay ako nanaman itong maiipit sa sitwasyon and damn! Ayaw ko nang mas maramdaman pa ang kasungitan niya!
Buti na lang at mas malapit na cell shop rito sa kompanya. Hindi nagtagal ang pagtakbo ng kotse at ilang minuto lang ay bumaba rin siya. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero nauna na siyang naglakad papasok sa shop kaya hindi ko na tinuloy.
Hmmm? Bakit kailangan pa niyang gawin 'to gayong kaya ko namang bumili ng phone para sa sarili ko? May mga mumurahin namang phone ngayon na pwede kong gamitin for work.
Tahimik akong nakaupo sa passenger's seat. Ilang minuto rin akong naghintay sa pagbabalil ng presnsya ni Mr. Montemayor.
Gaya ng inaasahan ko, I saw him with a piece of phone. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng driver's seat saka mabilis na inabot ang phone na nakasealed pa ang box.
Nag-aalinlangan akong tanggapin ito. Lalo na at alam kong mamahalin ang inabot niyang gadget at baka hindi ito kakayanin ng bulsa ko.
"Si-sir, masyado yatang mahal. Baka hindi ko kayang bayaran," I said in the middle of hesitation. Iniwasan ko siya ng tingin lalo na nang marahan siyang umiling sa akin.
"Take it or i will fire you. Saang mundo ka ba galing at wala kang gadget?" .
Hindi ko pa rin tinanggap ang phone na inabot niya sa'kin ngayon. I keep on looking it na para bang nag-dadalawang isipin na tanggapin.
"Pero, sir---" he cut me off, again.
"Take it Miss Bartolome. H'wag mo munang isipin ang bayad. Ang importante may connection tayo sa isa't-isa."
Dahil na rin siguro sa huling sinabi niya kaya ko tinaggap ang phone na kanina pa niya inaabot sa akin. I don't open it yet gayong alam kong mamahalin itong talaga.
It's the lastest brand of Samsung...
"One thing," wika niya nang akmang papaandarin na niya sana ang kotse. Hindi niya ako tiningnan sa mata pero alam kong sa puntong ito ay sa rearview mirror siya nakatingin sa akin. "You are not allowed to eat at the canteen. Sa office ka na kakain mula ngayon. Don't get out from my sight."
Para akong nanlumo sa huling sinabi ni Mr. Montemayor sa akin. Hindi ko alam kung matakot ba ako sa banta niya o iisiping posibleng hindi niya totohanin 'yon.
Pero bakit? Bakit kailagan pa niya akong ikulong sa opisina niya gayong pinapangako ko na namang hindi na mauulit ang nangyari kanina?