KABANATA 59: TATLONG ARAW NA mula noong umalis ako sa mansyon ng mga Ibarra. Hindi na muna ako nagpaparamdam kay Matias kahit na ilang beses niya akong kinumusta sa text. Hindi ko siya ni-re-reply-an, mabuti na lang at hindi rin naman siya nangungulit. Busy rin ako kaya hindi ko na iyon masyadong iniisip. “Sa Manila?” takang tanong ni Kim. Dumating na ang notice sa akin kagabi. Tungkol iyon sa sinubmit-an ko ng mga designs ko sa isang clothing line. They were inviting me to Manila to discuss about my designs. Ang sabi ay sagot nila ang pamasahe ko. “Oo,” sagot ko. “Samahan mo naman ako.” Umiling si Kim at saka naupo sa harap ng kanyang makina. “Kung aalis ka papuntang Manila, at sasama ako, sinong maiiwan dito sa garments, aber?” Bumusangot ako saka padarag na naupo sa harap ng makin

