KABANATA 58: HINDI KO NA nagawang tawagan pa ulit si Auntie no’ng gabing iyon kaya wala akong choice kundi ang sadyain si Paul. Sa tuwing magkikita kaming dalawa, kinakabahan ako na baka bigla na lang may makakilala sa amin habang nag-uusap sa karinderyang madalas naming pagkitaan. Kaya nagsusuot ako ng cap o kaya naman ay hoodie para hindi agad ako makilala. Ilang minuto rin akong naghintay kay Paul bago siya dumating. Nagmamadali siyang naupo sa katapat kong upuan, humugot na muna ng malalim na hininga bago siya tuluyang nagsalita. “Nakipaghiwalay ka na ba kay Matias?” bungad na tanong niya. Umawang ang labi ko at bahagyang napaatras. Dinampot ko ang tubig na kanina pa nakalapag sa lamesa, hindi ko pa nagagalaw dahil hanggang ngayon ay wala pa akong order. Bahagya akong tumikhim nan

