KABANATA 4:
Matthew Simone Ibarra’s Point of View:
“YOUR FATHER HAS a mistress.”
Nanginginig na ikinuyom ko ang aking kamao nang marinig iyon mula sa private investigator na ini-hire ko. Sinasabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali ng hinala. Humugot ako ng malalim na hininga habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
“Did you confirm who was it?” I asked.
“Si Alana Mariz Ruiz po, mas bata sa iyo ng dalawang taon. Isa siyang business owner ng isang garment. Hindi ko po sila malitratuhan nang maayos kagabi dahil kakaunti ang tao sa Bar. Mapapansin nila ako.” Inilapag ni Private Investigator Cruix ang mga litratong nakuha niya sa aking lamesa.
Nag-angat ako ng tingin doon at dinampot. Halos mapigtas ang pasensya ko nang makita ang aking ama na masayang nakangiti sa kaharap niyang babae. Imposibleng walang relasyon ang dalawang ito dahil ilang Linggo ko na silang pinamamanmanan. Palagi silang nagkikita, palaging nag-de-date sa kung saan-saan. Nalaman ko ring nireregaluhan siya ni Dad.
All our lives, we thought he is a perfect father and he trully love our mother.
Hindi ko akalain na kaya niya kaming gaguhin para lang sa isang babaeng halatang ginagatasan lang siya. Nadiskubre ko ito noong nakaraang buwan. Madalas na silang mag-away ng Mommy dahil sa maliliit na bagay. Maliit na bagay ay pinalalaki niya, na hindi naman niya dating ginagawa. Hanggang sa nahuli ko siyang may kausap sa cellphone. He was smiling widely while talking to someone. At hindi ko makalilimutan ang narinig kong tawag niya sa kausap.
“Okay sweety, as you wish!”
Tangina. Sa tanda niya, ngayon pa niya nakuhang magloko?
Inis na ibinagsak ko ang mga litrato sa ibabaw ng desk. “Walang makakaalam nito. Your job ended here Mr. Cruix. Ako na ang bahala sa susunod. Just give me all the details that you’ve gathered.”
Marahan itong tumango kahit na mukhang nag-aalangan. “Masusunod po, Sir Ibarra.”
Napahilamos ako ng palad sa aking mukha. Nanginginig ako sa galit. This is f*****g frustrating! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kapag nalaman ito ng buong pamilya namin, masasaktan sila. At ang mas masasaktan sa pagkakataong malaman nila ang katotohanan ay si Mommy. And I don't want to see my innocent mother crying in pain.
Halos isang oras matapos kong makumpirma ang lahat, nagpasya akong umalis at magtungo sa Bar na sinasabi ni Investigator Cruix. Kailangan kong makita ang kabit ng aking Ama at makumpirmang kabit nga talaga siya.
Ipinarada ko ang kotse sa parking area ng Bar. Alas-nuwebe na ng gabi at bukas na ang Bar na iyon. Napasinghal ako nang makitang ordinaryong Bar lamang ito. Ganitong klaseng Bar ba ang pinupuntahan ni Dad? Cheap!
Agad akong bumaba ng kotse at padarag na isinara ang pinto. I combed my hair with my fingers then walked inside the Bar. Bumungad sa akin ang halos matatandang costumer ng Bar. Nag-iinuman at nagkakasiyahan ang mga naroon. Sa pagpasok ko sa loob, doon ko nakumpirmang hindi lang ito basta Bar. A woman was dancing on a pole in a mini-stage in front of these old hags! What the f**k? Halos wala na itong saplot, panay ang pagbuka nito ng mga hita sa harap ng customers. It was f*****g disgusting!
Imbes na panuorin pa kung paano gumiling ang babaeng nasa stage ay inilibot ko na lamang ang aking mga mata. And as I was luring my eyes around, I realized that this Bar was the same Bar I was a year ago. Pero walang sumasayaw ng ganito noong nagpunta ako. No, it can't be! Hindi ito ang Bar na iyon! Imposibleng bigla silang magbago.
“Want a drink, Sir?”
Napalingon ako sa babaeng lumapit sa akin. Isa itong waitress na may hawak na drinks at iniaalok sa akin.
“No thanks,” I replied. Aalis na sana ang waitress nang maisipan ko siyang tawagin. “Is there a customer here named Alana Mariz?” I asked.
Tila napaisip pa ang babae sa tinanong ko. Ilang saglit pa ay marahan siyang tumango.
“Meron pong Alana Mariz pero hindi po customer. Pamangkin po siya ng manager namin. Nag-we-waitress din po siya kung minsan,” sagot nito.
Nagtiim-bagang ako nang makumpirmang dito nga sila nagkikita.
“Where is she?”
Umawang ang labi ng waitress saka napakamot sa kanyang sentido. “Tawagin ko po, gusto n’yo? Hintayin n’yo na lang po siya doon sa isang table.”
Tumango ako at hinayaan siyang pumasok sa loob. Naupo ako roon sa sinabi niyang paghintayan ko. Pakiramdam ko, napakatagal ng bawat segundong lumilipas na hindi pa siya lumalabas. I badly want to see her right now. To see if she’s worth the time I made. It is f*****g frustrating how my father get a woman in this kind of place…
Nakayuko akong naghihintay nang may marahang kumatok sa table. And when I looked up, my mouth parted to see the woman in front of me.
“Hinahanap mo raw ako?” she asked.
Napakurap ako sa naging tanong niya. My heart raced as she gently smirked.
“You’re Alana Mariz Ruiz?” gulat na tanong niya.
“Yes,” she replied. “Do you need anything, Sir?”
Napabuga ako ng hangin at mabilis na napatayo. Taas-baba ang dibdib ko sa galit. Without any words, I grabbed her wrist then pulled her out of this Bar.
“S-sir!” halatang kinakabahang tawag niya sa akin.
Wala akong pakialam kung kabahan siya. Kung galit ako kanina, pakiramdam ko’y napuno ako ngayon. Tama bang siya ang kabit ni Dad? Siya ba talaga na…
I stopped when we got in the parking area. I turned my head to her and looked at her with too much humiliation.
“I am Matthew Simone Ibarra, Demetrious Ibarra’s son,” mariing sabi ko.
Her eyes widened after I said those words. Then she gasped. “You!”
“Yes, I am. Do you remember me? Do you remember the night we spent together, hmm?” Marahang humakbang ako palapit sa kanya. “Tell me, Alana. Tell me you still remember how we shared the same bed that night.”
She parted her lips while looking at me. Mula noong gabing iyon, pinangarap kong makita siyang muli. There are nights that I dreamed of her doing the same thing we did that night. I couldn't forget her. Pero ngayon, tangina, pakiramdam ko… umikot ang sikmura ko.
“I still remember,” she replied. “But I’ve already stopped remembering that night. Hindi naman ganoon iyon ka-special, ‘di ba?”
Mas lalong nagpuyos ang galit sa aking dibdib. Ikinuyom ang aking mga kamao kasunod ng paghakbang kong muli palapit sa kanya.
“Kabit ka ba ng tatay ko?” diretsong tanong ko.