KABANATA 3:
I CAN CLEARLY REMEMBER what happened last night. Ilang beses na akong bumuntong-hininga, halos mapudpod na ang kuko ko sa hinlalaki dahil sa kakakagat. Hindi ako makapaniwala na ibinigay ko lang ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko naman lubos na kilala!
Hanggang ngayon ay nangingilabot pa rin ako kapag naaalala ko kung paano niya ako hinalikan, kung paano niya hinaplos ang balat ko, at kung gaano kasakit noong unang beses niya akong angkinin. I can still feel the excrutiating pain between my legs because he’s huge!
“Kape ka muna para kabahan ka.” Inilapag ni Kim ang tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa.
Doon lang ako natauhan at nag-angat ng tingin sa kanya. “Kim…”
“Ano? Sakit ba? Lumayo-layo ka kasi sa amin, nawarak ka tuloy nang hindi mo namamalayan,” aniya. “Lagot ka sa Auntie mo sa oras na malaman niya ang ginawa mo.”
Bumusangot ako at agad hinawakan ang kamay niya. “Huwag mo akong isumbong.”
“Gaga ka pala eh! S’yempre naman at hindi kita isusumbong!”
Nasapo ko na lamang ang aking noo nang dahil sa inis. Hindi talaga ako makapaniwala sa katangahang nagawa ko. I mean, hindi naman na ako bata para problemahin pa iyon. At isa pa, that’s an amazing experience. Hindi ko naramdamang nagmadali siya nang gawin namin iyon, hindi ko rin naramdamang para sa kanya lang ang ginagawa niya. He let me feel the pleasure as well, his touch, the way he swiftly moved inside me…
“Pero… malaki ba?”
I snapped when Kim asked me. “O-oo…”
“Shet! Tangina, warak!” she exclaimed. “Hayaan mo na ‘yon. Ang isipin mo na lang, at least nakaranas ka n’yan bago ka pa matuyo. Girl, 25 years old ka na! Ang mga desi-sais anyos ngayon, naunahan ka pa!”
“Ewan ko sa ‘yo!”
Imbes na makipagtalo pa sa kanya, hinayaan ko na lamang siyang dumakdak nang dumakdak, pinangangaralan niya ako tungkol sa kung paano dapat i-enjoy ko ang pagkabata dahil hindi raw habang buhay akong sariwa.
Matapos magkape, nag-umpisa na kami sa pagtatrabaho. Kanina lang din ay nakausap na ako ni Auntie para sa plano namin. Ngayon kasing nakapagpatayo na ako ng tailoring shop, kailangan na rin naming kumilos para sa plano. Masyado nang mahaba ang preperasyon namin para dito.
Nagpapasalamat ako kay Kim na hindi niya sinabi kay Auntie ang tungkol sa nangyari kagabi. Alam ko naman na hindi mahigpit si Auntie pagdating sa akin pero kahit na, ayaw kong kung ano pa ang isipin niya.
Alas-singko ng hapon nang pumunta na ako sa Bar kagaya ng usapan namin ni Auntie. Hindi pa nagbubukas ang Bar dahil maaga pa. Pagdating ko roon ay dumiretso agad ako sa manager’s office at naabutan si Auntie na naninigarilyo.
“Good evening sa maganda kong pamangkin!” she greeted me.
“Good evening po, Auntie.”
Naupo ako sa may couch na naroon, katapat ng sa kanya. Sa tapat ko’y may isang lamesa at sa ibabaw no’n ay isang envelope. Kinuha ko iyon nang senyasan niya akong kunin ko raw.
Nang buksan ko iyon at kunin ang laman, my heart skipped a bit. Sa tagal na panahon, ngayon ko lang ulit nakita ang mukha ng lalaking pumatay sa Mama ko…
“Tito Demetrious,” I murmured.
“Sanayin mo na ang sarili mo, Demetrious na lang,” she chuckled. “Look at the pictures, siya na iyan. Hindi ba ang gwapo pa rin kahit na matanda na?”
Marahan akong tumango habang pinapalipat-lipat ang ibang pictures. Sa pictures, naroon ang stolen picture ni Tito Demetrious kasama ang isang lalaki. Nakangiti pa silang magkausap. Seeing him smile like that after all what he did back then, kumukulo na kaagad ang dugo ko. Ang saya niya, ang sarap siguro ng tulog niya sa tuwing gabi? Sinong tao ang kayang matulog nang mahimbing matapos makapatay ng tao.
“Kinausap ko na ang kaibigan kong si Henry. Ang sabi ko, yayain niya rito sa Bar iyang si Demetrious para naman madagdagan ang kita ng bar,” she chuckled. “Pumayag naman siya kaagad, wala talagang makakatanggi sa ganda ko!”
I shook my head after hearing those from her. Si Auntie talaga…
“Then? Ano pong gagawin natin?”
“Then we will start the plan,” aniya. “Ah! Hindi ko pa pala naipapakita sa ‘yo ang picture ng pangalawa sa bunso niyang anak. Apat ang anak niyang lalaki at isang babae. Sa apat na lalaking iyon, si Matias lang ang pwede nating isama sa plano. Iyong tatlo kasi, madalas na wala sa mansyon. Si Matias, nandito iyon madalas sa Bukidnon dahil inaalagaan niya ang farm niya.”
“M-matias?” takang tanong ko.
“Oo. Naka-ready ka naman na ‘di ba? Alam kong mahirap ‘to pero kailangan nating makuha ang hustisya para sa Mama mo…”
Humugot ako ng malalim na hininga saka tumango. “Opo…”
Matias… parang narinig ko na iyon kung saan, hindi ko lang matandaan.
Knowing that the name Matias, bothered me, hanggang sa makauwi ako ng bahay ay iniisip ko pa rin talaga. Hindi ko maintindihan, para bang kinabahan ako. Hanggang sa pagkain namin ng dinner, mukhang napansin na ako ni Auntie.
“Kanina ka pa tulala? Ano bang iniisip mo?” takang tanong niya.
Umiling lang ako saka muling sumubo ng kanin. Pero mukhang hindi kumbensido si Auntie sa pag-iling ko. Nanliit ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.
“Ah, nga pala. May nag-send sa akin ng picture,” aniya. Dinampot niya ang phone niya na nasa ibabaw ng lamesa at kinalkal iyon. “Akala ko hindi mo pa siya nakikilala, pero mukhang tadhana na yata ang nagbibigay ng daan.”
She showed me her phone, then I saw my picture with a man in the bar counter. Iyon ‘yong lalaking kasama ko kagabi. Nalunok ko nang hindi pa na nangunguya ang kinakain kaya naman hindi sinasadyang mabulunan.
“Oh! Diyos ko!” Inabutan ako ni Auntie ng tubig. “Dahan-dahan sa paglunok!”
Nagmamadali ko namang inabot ang tubig at uminom doon habang barado pa rin ang lalamunan. Oh God! I remembered it now!
“Okay ka na ba? Ready ka na sa sasabihin ko?”
Agad akong humugot ng hangin at marahang tumango. Kahit na alam ko naman na ang kanyang isasagot.
“Well, that man you are talking to last night, is Matthew Simone Ibarra. Your target. At mukhang gusto ka rin niya.”