Chapter 33 Sa room ni Keith ay nakaupo ang lalaki sa ibaba ng kama at sapo ang noo. Hindi na nito inabala buksan pa ang ilaw dahil sa kakaibang mga emosyon bumabalot sa isip niya. Tuwing nagbibitaw ng ganoon na salita si Faith ay hindi niya magawa magsalita or i-defense ang parents niya. Mabuting mga tao ang parents niya alam at hindi siya makapaniwala na lumaki sa ganoong environment ang parents niya specially ang mommy niya na pinaka-caring na tao na nakilala niya. "Keith?" Bumukas nag pinto. Napatigil si Keith at napaangat ng tingin. Nakita niya si Bible na nakatingkayad at hawak ang door knob. Nakasara ang kurtina at tanging liwanag lang na galing sa pinto ang nagbibigay ng liwanag sa room. Nakikita ni Bible si Keith. Hinayaan ni Bible na bukas ang pinto ag pumasok sa room ni