Chapter 34 "Maid?" Kausap ni Keith si Sandro at Jonas. Nasa library sila ngayon. Nakaupo ang lalaki sa dulo ng upuan habang nakatayo sina Jonas at Sandro. Sakto naman lumabas sa isang pinto si Leah na siyang nagpatulog ulit kay Bible. May vacant room sa loob ng library at dahil medyo worried sila na may pagala-gala pa sa mansion sa vacant room ng library nila pinatulog si Bible. "Last week isa sa mga maid na madalas ko kinukuha sa agency ang bigla na lang nawala. Hindi na-inform ang agency kung nasaan ito at hindi din makontak." Tinanong ni Keith kung inimbistigahan iyon ni Sandro. Agad na sumagot ng hindi si Sandro dahil wala siya nakikita na reason. "Inutusan ko na sina Raphael hanapin ang maid," ani ni Jonas sa utos na din ni Sandro. Tinakpan ni Keith ang mga labi gamit ang d