PAGKAPASOK ni Rafael sa Casa De Omega ay agad siyang sinalubong ng ingay at halo-halong amoy ng sigarilyo at usok. Luminga linga siya sa paligid para maghanap ng mauupuan pero mas pinili niyang maupo sa counter. Hindi na niya hinintay si Karrim ay umorder siya ng alak sa bartender. Tinawagan niya ito kanina para ayain itong lumabas. Iniwan niyang mag-isa si Vance sa bahay habang mahimbing na natutulog. Nang maibigay ng bartender ang inorder niya ay agad niya iyong tinungga. "Easy dude!" Si Karrim na tumabi sa tabi niya. "Don't dude me." Natatawang umiling-iling ito. "Tequila Leg." Order nito sa bartender kuway bumaling sa kanya. "How is he?" "I think his fine." Walang emosyong sagot niya. "How about you?" Kinunotan niya ito ng noo. "What about me?" Nagkibit ito ng balikat. "Are y