Someone's POV (Almantris Rogue Camp) "Totoo bang naka balik na si Vance sa Tierra De Lobo?" Tanong ng leader ng mga Rogue sa mga tauhan nito. "Oho, kakabalik lang ho niya galing sa spain." "Ano na ang ginagawa ng tarantadong 'yon?" "Ang huling report ho ng private investigator na inutusan niyo. Nasa Puertico City ho siya kasama ang hindi kilalang lalaki." Nangunot ang noo ng pinuno. "Hindi kilalang lalaki?" "Oho, hindi ho pamilyar ang mukha niya, halatang hindi siya taga rito." "Kung gano'n, alamin niyo kung sino siya! Mga gungong! Kilalanin niyo ang lahat ng taong nakapalibot sa kanya. Kailangan natin mahanap ang kahinaan niya!" Singhal nito. "Masusunod pinuno." Nakuyom nito ang kamao. "Sa susunod na magkaharap ulit tayo, sisiguraduhin ko na ang pagkatalo mo, Vance Zyd Fuentebel