MARAHAS na nagpakawala ng buntong hininga si Rafael. Nakaharap siya sa laptop pero ang isip niya ay wala sa sinusulat na novela. Tatlong araw na ang lumilipas pero wala pa rin siyang maisip na paraan kung papaano niya mapapatay si Vance. Mapapatay... Ang tanong magagawa nga ba niyang patayin si Vance? Iniisip niya palang ay sumusikip na ang dibdib niya. Nasapo niya ang sentido at pagod na hinilig ang ulot sa headrest ng swivel chair kuway mariin na pumikit. Bakit ba sunod-sunod na problema ang dumarating sa kanya? Una, naging werewolf siya. Pangalawa, dinukot ang ama niya at ang kapalit ng kalayaan nito ay ang patayin si Vance at ang pangatlo, ang damdaming nararamdaman niya para kay Vance, dahilan para hindi niya ito magawang patayin. Naidilat niya ang mga mata nang umigit ang pinto. Ag