Chapter Fourteen

886 Words

MAAGA pa lang ay nagising na si Rafael para magluto ng umagahan ni Vance. Gusto muna niyang kalimutan ang problema at ituon lahat ng oras niya rito. Gusto niya itong sopresahin at gusto niyang iparamdam rito kung ano ang nasa damdamin niya. Marahan niyang inalis ang braso ni Vance mula sa tiyan niya kuway kagat labing umalis siya sa tabi nito. Dinampot niya sa sahig ang malaking T-shirt nito at agad iyong isinuot. Nakatingkayad siyang lumakad palabas ng kwarto. Pagkababa sa kusina ay agad niyang hinanda ang gagamitin sa pagluluto niya. Naghihiwa siya ng sibuyas nang dumating si Garth, bitbit ang pinabili niyang ibang sangkap sa pagluluto. "Salamat, Beta." Binigyan niya ito ng isang ngiti. "Your welcome." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa kaya kinunotan niya ito ng noo. "Bakit?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD