27

1599 Words
Masaya ang naging dinner ni April kasama ang kaibigan niyang si Hailey at ang asawa’t anak nito. Kahit papaano ay nakalimot siya sa kaniyang problema dahil sa talaga naman nakakahawa ang kasiyahan na mayro’n ang pamilya ni Hailey. Gumaan ang loob niya lalo pa’t nakapositibo na tao ang mga kasama niya ng mga oras na iyon. Makuwento si Hailey at ang asawa nitong si Gerald sa pagkainan, tila laging may mga baon at sa buong oras na kakuwentuhan niya ang mga ito, doon niya na-realize kung gaano katino ang panibagong kinakasama ni Hailey na si Gerald. At sa tuwing pinapanood niya na nakangiti si Hailey, alam na niya na nasa tamang tao ang kaniyang kaibigan. Dahil nakikita niya ang kaibahan ni Hailey na nakilala niya sa Hailey na masayang-masaya ngayon. At dahil do’n, muling bumalik sa kaniya ang alaala na kasama si Julian. Alam niya na mahihirapan siya mag-move on kung kaya’t himbis na pigilan ang sarili na umalala, mas pinipili niyang alalahanin ang mga pinagsamahan na nasayang lang dahil sa kamalian ni Julian sa kanilang relasyon. Masaya siya na kasama si Julian. Pagkatapos siya nitong paibigin, alam niya sa sarili niya na hulog na hulog siya. Dahil noong mga oras na hindi pa nagbabago si Julian, pinaramdam nito sa kaniya ang klase ng pagmamahal na mahirap kalimutan. Napaka-considerate at thoughtful ni Julian noong magkasama pa sila. Sa mga unang araw ng kanilang pagsasasama, walang oras o pagkakataon itong pinapalampas para siya ay pakiligin sa mga simple nitong gesture at kilos. Lalong lalo na tuwing tinutulungan siya nito sa mga gawaing bahay, hindi niya alam pero ang lakas ng epekto sa kaniya kapag ito ang gumagawa ng mga dapat ay gagawin niya. Dagdag pogi points iyon para sa kaniya bukod sa hinaharana siya nito noon. Kung kaya’t hindi rin mawari ni April kung paanong mas pinili ni Julian na lokohin siya. Dahil kahit papaano ay naramdaman niya na tunay ang pagmamahal na ipinakita ni Julian habang magkasama sila. Talagang s*x ba ang dahilan? Hindi maintindihan ni April kung bakit kailangan s*x pa ang kailangang maging dahilan ng kanilang hiwalayan. Alam naman niya sa sarili niya na hindi siya marunong mag-ayos pero hindi nakita ni April na naging problema iyon ni Julian sa kaniya. Talagang lumabas na ang tunay na dahilan ng pangloloko nito at napatunayan nang mahuli niya itong may ibang kasiping sa lugar kung saan rin siya nakatira. It was really big blow to her. Iyong dalhin ni Julian ang bago nitong kinahuhumalingan na babae kung saan siya nakatira. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang anghel na Julian na kaniyang nakilala ay makakagawa ng malaking kamalian para tuluyan silang maghiwalay. April never peg Julian as someone who will cheat for lack of s*x in their relationship. Para sa kaniya ay napakababaw ng bagay na iyon para maging rason ng kanilang hiwalayan ngunit dahil tapos naman na ang namamagitan sa kanilang dalawa, mali siya inakala tungkol kay Julian. Dahil para sa kaniyang ex, napaka-laking bagay ng s*x para lokohin pa siya nito dahil lang sa hindi niya iyon mabigay-bigay. Kung kaya naman sa tingin niya ay hindi na niya rin mapapatawad ito dahil sa pinakita na rin naman nito ang tunay nitong kulay nang tuluyan niya itong komprontahin sa gitna ng kataksilan na ginawa nito kasama ang artistang si Macy Perada. Ano nga ba ang laban ko sa artista? Mapait na sabi ni April sa harap ng salamin ng bathroom nila Hailey. Pagkatapos niyang kumain ay saglit siyang nagpaalam para magbanyo. Hindi dahil sa tinatawag siya ng kalikasan kung hindi dahil sa kalungkutan na kaniyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay napakawasak na niya kahit pa hindi naman niya naisuko ang kaniyang bataan. Kung may mindset lang siya ni Hailey ay baka nag-celebrate pa siya dahil hindi pa rin naman punit ang kaniyang hymen pero dahil sa kabaliktaran siya ni Hailey, hindi niya mapilit na maging masaya habang nasa harap ng mga taong tinutulungan siya ngayon para maka-move on. Ayaw niyang ipakita ang kaniyang pagdadamdam sa harap nila dahil na rin sa kahihiyan. Dahil siguro siya na kapag nangyari iyon ay mabilis na mababago ang masayang mood ni Hailey at Gerald. Ayaw niya rin ipakita sa anak ni Hailey na si Hannah ang pagdadrama niya dahil matalino na bata ang anak ni Hailey. Sigurado siya na malaki ang magiging kuryosidad ni Hannah sa oras na makita siya nitong umiiyak. In short, ayaw niyang pakalatin ang kalungkutan sa masaya na ngayon na pamilya ni Hailey. Ayaw niyang masyado itong mag-alala dahil baka kapag nakita rin siyang nagdadrama ni Hailey ay hindi siya nito lubayan. Marahan na katok sa pinto ng banyo ang nakakuha sa atensyon ni April. Hindi nagsalita ang nasa kabilang panig ng pinto kung kaya’t napasalita siya. “A-ano iyon?” nauutal niyang tanong. “Just…” It was Lukas, making her raise a brow in curiosity while waiting for him to continue. “... checking on you. You have been there for almost five minutes now, are you okay?” Bakas ang pag-aala sa boses ni Lukas kung kaya naman napayuko si April kasabay ng pagbubukas niya ng faucet para sumalok ng tubig at para hilamusan ang kaniyang mukha. She’s crying and her eyes already showing dark circles. Bakas din ang maumbok na eye bags sa ilalim ng kaniyang mga mata gawa ng kaniyang kakaiyak tuwing dumadaan sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Hindi matatanggal ng tubig ang sakit na kaniyang nararamdaman kung kaya naman nang makuntento ay sinirado na lamang ni April ang faucet kapagkuwan ay kumuha ng tissue para ipunas sa kaniyang kamay. Pagkatapos niya iyon gamitin ay agad niya rin iyon tinatapon sa trashbin na nando’n sa banyo bago siya naglakad palapit sa pinto. Hindi sinagot ni April ang tanong ni Lukas nang katokin siya nito kung kaya’t ang inakala niya ay umalis na ito ngunit agad na nanlaki ang kaniyang mata nang makita si Lukas na prenteng nakasandal sa pader habang ang dalawa nitong braso ay nakahalukipkip sa harapan ng malapad nitong dibdib. “A-ano pang ginagawa mo dito?” gulat na tanong ni April kasabay ng paghila niya sa knob ng pinto sa kaniyang likod upang isarado ang banyo. Hindi siya sinagot ni Lukas sa tanong niyang iyon bagkus ay tumitig ito sa kaniya. Mata sa mata. Bagay na nakailang sa kaniya kung kaya naman siya ay napalunok. Bakit ka ba naninitig? Tanong ni April sa kaniyang utak. Walang bakas ng kahit anong ekspresyon sa pagmumukha ni Lukas habang nakatingin sa kaniya kung kaya naman hindi rin siya makaisip ng sasabihin para tanungin ito sa ginagawa nito. Nanatili itong tahimik sa kaniyang harapan at nakahinga na lang siya ng maluwag nang biglang dumating si Hailey at nagtatakang tumingin sa kanilang dalawa. “Anong nangyayari dito?” tanong ni Hailey at saglit na lumipas ang ilang segundo bago kumurba ang malisyosang ngiti sa labi ni Hailey. “Huwag niyo nang sagutin ang tanong ko. Never mind. Puntahan niyo na lang ako sa balkonahe kapag tapos na kayo mag-usap, take your time,” sabi nito bago malawak na ngumisi sa kaniya na ikinaikot naman ng mata ni April bago sila tinalikuran ni Hailey at nagsimulang maglakad palayo. Buwisit ka talaga, Hailey. Hindi mapigilang sabi ni April sa kaniyang utak habang pinanood palayo ang kaniyang traydor na kaibigan. “If only I know earlier what happened to you, I could have handle you with care, April,” biglang sabi ni Lukas na kaniyang ikinalingon dito bago napatanga habang pinoproseso ang sinabi nito. “H-ha? What do you mean h-handle with care?” Mukha ba akong babasagin? Piping tanong ni April sa kaniyang isipan. Hindi siya sinagot muli ni Lukas. Tipid na ngumiti ito sa kaniya bago umayos ng pagtayo. “You know what I mean. Pero hindi na mahalaga iyon. I just really want to check on you. I know we may have started with bad first impression but I hope I can make it up to you,” sabi ni Lukas na mas lalo niyang ikinakunot ng noo. “Anong pinagsasabi mo? Anong make it up to me?” Alam ni April na katangahan na ang pagtatanong niya pa kahit na naiintindihan niya ang sinasabi nito. Ayaw niya lang magkamali siya sa conclusion niya sa mga sinabi nito. “What I mean is…” Huminga ng malalim si Lukas bago ito ngumiti ng malawak sa kaniya. “I want to know you more, April.” Tila napipilan si April dahil sa sinabing iyon ni Lukas. Naging blangko ang kaniyang utak kahit na napakasimple lamang ang tanong ni Lukas sa kaniya. “Uh…” Saglit na tumawa si Lukas dahil sa naging response niyang iyon. “Okay, maybe I should ask you sometime. Aalis kasi ako, baka ma-miss mo ako kapag ngayon ko hiningi ang sagot mo,” nakangiting sabi ni Lukas bago ito naglakad papunta sa direksyon kung saan pumunta si Hailey, sa balkonahe. Nakatangang napakurap-kurap naman si April habang nakatingin sa likod ni Lukas hanggang sa tuluyan itong nawala sa kaniyang paningin. “A-anong sagot ko ang tinutukoy niya?” nagtatakang tanong ni April sa kaniyang sarili at napaisip sa mga sinabi nito. Tahimik niyang inalala ang mga sinabi nito sa kaniya nang makita niya si Hannah na kinukusot-kusot ang mata nito. Halatang inaantok dahil na rin sa paghikab nito. “Ano pong ginagawa niyo, Tita April?” tanong nito bago ibinaba nito ang kamay na ginamit sa pagkusot ng mata. Tanging ngiti ang sinagot ni April sa tanong ni Hannah bago niya ito nilapitan at yumuko sa harap nito. “Gusto kong tumabi sa iyo. Will you let me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD