Matagal na ni April alam ang katotohanang iyon dahil sa isa lang rin naman siyang tao. Ilang beses na siyang nasaktan gawa ng pamilya at pag-ibig kung kaya't tuwing sobra siyang nasasaktan, hindi niya sinasarili iyon. Lagi niyang pinipili na may kasama siyang umaagapay sa kaniya habang nasa proseso siya ng pag-galing kaya naman ang makasama rin ngayon si Lukas ay isa sa ayaw niyang mangyari. Nasasaktan siya at gusto niyang ilabas ang galit at lungkot na nararamdaman niya pero ayaw niyang si Lukas pa ang mapagsabihan niya. Bukod sa lalake ito, nalaman niya rin na may pagkamaloko pala ito. "Hailey's—" Agad niyang pinutol ang sasabihin ni Lukas. "Just start the car, please. I want to go home," malamig na sabi ni April. Malalim siyang huminga sa huling pagkakataon bago niya binuksan ang