Hindi niya ma-take ang gano'ng pag-uugali ni Lukas. Alam kaya ng someone niya na may gano'n siyang pag-uugali? Dahil ngayong alam na niya na may someone pala si Lukas, Paulit-ulit bumalik sa isipan niya ang eksena kung saan nakita niyang malawak na nakangiti si Lukas sa mga kababaihan at kasunod no'n, ang eksenang naabutan niya kung saan nakikipagtalik si Julian sa artistang si Macy Perada at dahil doon, mabilis na pumikit si April kapagkuwan ay iniyukom ang kaniyang kamao upang pigilan ang sarili niya na makapagbitaw ng salita na talaga namang pagsisisihan niya. What a jerk! "Never mind it," mahinang utas ni April na sapat para marinig ni Lukas kapagkuwan ay paulit-ulit na huminga ng malalim. "H-huh? Are you okay?" rinig niyang tanong ni Lukas ngunit hindi na niya ito sinagot. Mal