Maingay ang umaga na kasama ang pamilya ni Hailey. Lalo pa at likas na maingay din ang nag-iisang lalaki na kasama nila sa mesa. “Kung alam mo lang, April. Bago ko na-meet itong si Hailey, maraming babae nagkakandarapa para mapansin ko lang,” may kayabangan sabi ni Gerald na ikinaikot naman ng mata ni Hailey habang nakatayo ito sa tabi ng upuan ni Hannah. “Hay nako, Gerald. Walang may pakialam sa mga adventures mo noong binata ka, okay? Kumain ka na lang at may pasok ka pa,” nakataas ang kilay na saway ni Hailey na ikinanguso naman ng asawa nitong si Gerald, tila asong napagalitan ng maldita nitong amo. Patagong tumawa si April habang nanonood sa pamilya ni Hailey. Tapos na siyang kumain kung kaya naman wala na siyang iba pang ginagawa kung hindi ang panoorin sila Hailey na magkulita