Kahit papaano ay naging matiwasay ang pagtatapos ng agahan ni April kasama sila Hailey. Matapos umalis ni Gerald kasama si Hannah, silang dalawa ni Hailey ang naiwan sa kusina. At dahil sa wala naman masyadong gagawin na si April, nagpresinta siya kay Hailey upang maghugas ng kanilang kinainan sa agahan, na hindi naman alam ni April na pag-uumpisahan ng kanilang debate. “Ano ka ba? Ako na ang bahala dito,” pagtataboy ni Hailey sa kaniyang tabi habang nag-umpisa na itong sabonan ang ibang plato na kanilang kinainan. “Magpahinga ka na lang doon o kaya mag-relax. O kaya mas maigi, umpisahan mo na mag-brainstorm ng idea para sa bago mong book kasi hinahantay ko iyong update mo rin kaya.” Mabilis naman natigilan si April dahil sa sinabing iyon ni Hailey. Dahil ang totoo, pakiramdam niya ay