20

2019 Words
Ang relasyon nilang dalawa ni Jason ay mabilis na natapos matapos malaman ni April ang katotohanan tungkol sa relasyon na mayro'n silang dalawa ni Jason.  Mag-aanim na buwan na ang relasyon nila ni Jason nang may mapansin si April na kakaiba kay Jason. Noong una ay pinapalampas lang niya ang mga napapansin niyang kakaiba kay Jason ngunit nang dumating na ang monthsarry nila, labis na nasaktan si April sa araw na iyon.  Nakasanayan niya kasi na tuwing dumadating na ang monthsarry nilang dalawa ni April, lagi itong may handang surprise para sa kaniya. Natandaan niya pa na sa first monthsarry nila ay ipinangako ni Jason na hinding-hindi ito magsasawa na paghandaan siya ng sorpresa tuwing monthsarry nila. Labis siyang natuwa dahil sa sinabing iyon ni Jason.  Masayang-masaya siya na pagkatapos nang lahat na sakit at negativitiy na ibinigay sa kaniya ni Gian ay may nakilala siyang tao na tinulungan siya para magbago in a good way.  Everything is perfect until she finally found out the truth about the Sweet Prince of their high school.  Jason is a perfect epitome of sweetness. Tipong kahit ang teacher nila na nanenermon ay kumakalma sa oras na magsalita si Jason. Isa rin siya sa mga estudyante na may matataas na grado at active sa sports kung kaya't halos lahat ng estudyante sa kanilang paaralan ay kilala at hinahangaan si Jason, lalong-lalo na ng mga babaeng estudyante including April.  Una niya itong nakita noong first day niya rin sa panibagong eskuwelahan. After kasi ng nangyari sa kaniya gawa ni Gian, pinili ng magulang niya na ilipat siya sa Manila kung saan puwede siyang manirahan sa Tita niyang mag-isa lang sa buhay at nagtatrabaho lang bilang call center agent.  Tinanggap naman niya ang desisyon na iyon ng magulang niya dahil naghihiya rin siya sa ginawa niyang iyon. To let herself be controlled by her emotion, she was totally embarrassed. At of course, pagkatapos niyang subukang tapusin ang sarili niya dahil sa negativity na binigay sa kaniya ni Gian. Nasermonan siya magulang niya at sinabi kung gaano ang mga ito ka-disappointed sa ginawa niya at sa kaniya kung kaya't napagdesisyunan ng mga magulang niya na ipadala siya sa Manila upang mag-aral at malayo sa lugar kung saan siya unang nasaktan ng sobra.  Madaling natanggap ni April ang desisyon na iyon ng mga magulang niya dahil sa tingin niya ay mas nakakabuti rin na malayo siya sa mga taong tinatanggal ang mga kompiyansa niya sa sarili. Gusto niya rin magsimula kahit na nasasaktan pa rin siya sa nangyari. Kung sobrang disappointed ang mga magulang niya sa kaniya, gano'n din siya ka-disappointed sa sarili niya.  To think that she will end her life just because of some boy who has given her hell. Isang taon rin siyang nagpahinga pagkatapos niyang makarating sa Manila. Sa labindalawang buwan, nanatili lamang siya sa condominium kung saan nakatira ang Tita niyang  bunsong kapatid ng Ina niya.  Sa tulong ng Tita niya, dahan-dahan siyang nakapag-move on lalo na at sa Tita na niya mismo nanggaling na naiintindihan siya nito at kung ano ang nararamdaman niya tungkol sa pamilya nila na kahit kailan ay hindi naging  dahilan upang maging confident sila sa sarili niya.  Hindi kasundo ng Tita niya ang Ina niya kung kaya't nang malaman nito ang nangyari sa kaniya, agad siya nitong tinanggap at tinulungan na maka-move on although nag-stay siya sa pagiging observant dahil sa ayaw na niyang magpapasok ng tao na muli lang rin siyang sasaktan. Until Jason came, whom she really thought a sweet and good person. Nang malaman niya ang katotohanan, doon niya napagtanto na ang minamahal niyang lalake ay nakasuot lamang ng maskara.  Jason is the most cruel person she have met. Nanatili siyang tahimik habang inoobserbahan niya ang mga pagbabago ni Jason. Noong una ay in denial siya at sinasabi sa sarili niya na nagiging busy si Jason dahil na rin sa nalalapit nilang exam ngunit nang dumating ang monthsarry nila, hindi na niya napalampas ang pagkalimot nito sa monthsarry nila.  Mula sa nakasanayan nilang mag-usap tuwing madaling araw hanggang sa pagkikita nila at routine nila na magkasamang kumain tuwing lunch. Lahat iyon ay tila nakalimutan ni Jason dahil sa tuwing tinatanong niya ito, ang lagi lang nitong sinasagot ay nakalimutan nito. Tao lang din naman siya at nang mapagdesisyunan niya na sundan si Jason. Doon niya nalaman ang katotohanan sa likod ng suot-suot nitong maskara.  Natatandaan niya pa noon kung ano ang ginawa niya. Nang dahil na naman sa isang lalake ay may ginawa siyang hindi na naman maganda. Para malaman kung ano ang nangyayari kay Jason, napagdesisyunan niya na hindi pumasok sa eskuwelahan.  Alam niyang magagalit ang Tita niya sa oras na malaman nitong hindi siya pumasok sa mga klase niya pero sumugal siya at sa buong oras na naghahantay siya, sa rooftop lang siya nagtago.  At habang naghahantay siya, agad na sumakit na ang loob niya dahil hindi man lang siya naalalang i-text ni Jason na para bang hindi man lang siya napansin ni Jason na hindi siya pumasok. Dumating ang lunch time, napagdesisyunan niyang bumaba mula sa rooftop kapagkuwan ay pinuntahan si Jason sa class room nito. Nang makapunta siya sa class room ni Jason, hindi na niya ito naabutan do'n at napag-alaman niya na pumunta ito sa multipurpose gym himbis na sa cafeteria ito pumunta kung saan dapat sila magkikita para sabay na kumain na kaniya namang ikinataka ng sobra kung kaya't mabilis niya itong sinundan.  Sinundan niya ito sa multipurpose gym at sa hindi niya malamang dahilan, nagsimula na siyang kabahan. She can still remember exactly what she felt that time. Mabilis ang t***k ng kaniyang puso habang dahan-dahan niyang tinatahak ang daan papunta sa multipurpose gym.  Nang makaabot siya sa multipurpose gym, agad niyang nakita si Jason na papasok pa lamang ng multipurpose gym. Nanatili siyang tahimik habang sinusundan si Jason na papalapit sa bench kung saan agad niyang nakita ang isang bulto ng babae mula ro'n.  Kahit kailan ay hindi niya inakalang magloloko si Jason sa kaniya at worst, gamitin siya. Nang makita pa lang ni April ang bulto ng isang babae kung saan papalapit si Jason, alam na niya agad na muli na naman siyang masasaktan ngunit nag-stay siya habang itinatago ang kaniyang sarili.  Nag-stay siya para malaman ang katotohanan na ginamit lamang siya ni Jason para sa makasarili nitong kagustuhan at ang mas nakasakit sa kaniya ay ang katotohanan na ginamit lamang siya ni Jason para makuha nito ang pinakagusto talaga nitong babae.  She heard them right. Ginamit lamang siya ni Jason dahil sa utos ito ng babae na nakita niya para lamang tanggapin nito si Jason. After hearing everything single thing Jason and the girl she saw, she immediately goes out.  Sapat na ang mga narinig niya para makipaghiwalay kay Jason ngunit hindi iyon ang pinakauna niyang ginawa. Mabilis siyang umuwi at hindi siya dumiretso sa condo unit ng Tita niya. Natatandaan niya pa na dumiretso siya sa rooftop ng condominium dahil ayaw niyang makita ng Tita niya na nasasaktan siya. Na muli na naman siyang nasaktan gawa ng isang lalake.  Everything came back to her. All the pain that was cause by those men she fell in love with. Naiinis siya at the same time, nasasaktan siya. Naiinis siya dahil lagi na lang siya nasasaktan ng mga taong hinangaan at minahal niya. Hindi niya alam sumosobra siya sa katangahan dahil sa pag-ibig kaya ngayon ay sobra siyang nasasaktan. At dahil sa sakit, muntikan na naman niyang tapusin ang sarili niya kung hindi lang niya na-realize na mali ang ginagawa niya. At ngayon, dahil sa tanong ni Lukas. Alam niya kung ano ang dapat niyang gawin ngunit dahil sa kakaalam niya lang ng pangloloko ni Julian, naguguluhan ang utak niya.  "Can we just please..." nakatulalang sabi ni April. "... let's stop talking about death," sabi niya bago nag-angat ng tingin kay Lukas na ngayon ay malawak na nakangiti sa kaniya. "I'm not planning on ending my life." Napaarko ng kilay si April nang tinawanan lang siya ni Lukas kapagkuwan ay umiling. "Then why did you said that I should have let you die out there?" tanong ni Lukas. "I'm curious how your life has been to say those terrible things, Hailey's friend." Hindi mapigilan ni April na mainis dahil sa sinabing iyon ni Lukas. This man became nosy after a few hours. Akala naman niya ay tahimik at isnabero si Lukas pero mukhang mali na naman siya ng akala. At ngayong nagtatanong ito, gusto ni April na sana ay bumalik sa pagiging isnabero si Lukas.  Only that I don't want to waste my time anymore. Hindi na niya kailangan pang sagutin si Lukas kung kaya't tumalikod na siya, kahit pa na mabastusan si Lukas. Ayaw na niya na tinatanong pa siya nito kung kaya't nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.  "Hey, where are you going? Are you even fine?!" rinig niyang sigaw ni Lukas ngunit hindi na niya iyon pinansin.  Nagpatuloy siya sa paglalakad nang mapansin niya ang kumpulan ng mga tao kung saan nakabulagta lamang ang driver ng motorsiklo. Napapalibutan ng mga tao ang driver ng motorsiklo kung kaya't hindi niya masiyadong makita kung ano ang nangyayari ngunit hindi mapigilan ni April na makaramdam ng pagkakonsensiya habang nakatingin sa direksyon kung nasaan ang mga kumpulan ng mga tao. Patuloy pa rin ang pag-ulan at basang-basa na rin ang damit ni April ngunit wala ro'n ang isipan niya. Seeing that someone has been hurt because of her, she can't stop blaming herself. Gusto niyang lumapit sa mga kumpulan ng tao ngunit hindi niya maigalaw ang katawan niya. Everything that she's feeling now is negativity.  "Don't worry, Hailey's friend," rinig ni April na sabi ni Lukas kasabay ng malakas pa rin na ulan. "I will talk to them. You can get inside the car now," sabi ni Lukas kasabay ng paghawak nito sa magkabilang niya braso habang ginagabayan siyang maglakad.  Nanatiling tahimik si April habang tinutulak siya ni Lukas papalakad sa kotse. Nang makalapit sila sa kotse, saglit siyang binitawan ni Lukas pagkatapos ay binuksan ang pinto ng kotse. Muli siyang hinawakan ni Lukas sa magkabila niyang braso at iginiya papasok sa loob ng kotse.  "Here, stay here. Wait for me," tanging sabi ni Lukas sa kaniya bago nito isinara ang pinto ng kotse sa kaniyang gilid at naglakad papalayo.  Nakakabinging katahimikan ang bumati kay April habang nasa loob siya ng kotse. Nakatulala lamang siya habang nakatingin sa rear view mirror kung saan nakikita niya si Lukas na naglalakad papalapit sa kumpulan ng mga tao kasabay ng pagdating ng isang ambulansiya habang patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan.  Bakit ang malas ko naman yata? Tanong ni April sa kaniyang sarili habang naaalala na naman ang lahat ng nangyari. Pagod na pagod na siya sa kakaisip ngunit dahil sa nangyari ngayon, muli na naman siyang nasasaktan.  April can't understand. Malas siya sa pag-ibig at maging sa mga kamag-anak niya ay tila wala siyang kuwenta. She has done everything to make everyone acknowledge her. From her studies to everything that makes her family notice her. Lahat iyon ay naging balewala at sa huli, mas pinili ng mga magulang niya na malayo siya na para bang wala itong pakialam kung malayo siya sa kanila.  Her family should be the one she can trust to rely on but everything that she only received from her family is low self-esteem and pain. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang trato sa kaniya ng mga magulang niya.   Bata pa lamang siya ay hindi na maganda ang natatanggap treatment mula sa pamilya niya. Mula sa Ama niyang walang pakialam sa mga naa-achieve hanggang sa Ina niya na kahit kailan ay hindi niya naramdamang inalagaan siya. Masakit para sa kaniya na maranasan ang gano'ng klase ng treatment mula sa mga magulang niya ngunit kahit kailan ay hindi rin siya nagreklamo bagkus pinili niya ang ideya na baka mapansin siya ng magulang niya sa oras na maging magaling siya sa pag-aaral kung kaya't mula sa academics hanggang sa sport ay sumasali siya.  Hanggang sa maging habit niya rin ang pag-aaral at nakasali siya sa mga honors. Lahat ng pinaghirapan niya ay napunta lamang sa wala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD