Hindi alam ni April kung ano ang ginawa ni Lukas para mabilis itong nakabalik sa kaniya. Kung susumahin niya ay halos dalawang minuto lamang ang nakalipas nang lumapit ito sa mga sa mobile ng ambulansiya upang mag-report sa totoong nangyari bago niya ito nakita sa rear view mirror na muling papalapit sa kotse kung saan tahimik siyang nag-iisip sa mga nangyayari.
Nanatiling tahimik lamang si April habang naririnig ang tunog ng pagbukas at sarado ng pinto ng kotse kasabay ng pagkilos ni Lukas sa kaniyang kaliwang direksyon.
"Okay..." dinig niyang sabi ni Lukas bago niya narinig ang tunog ng tila paglalagay nito ng seatbelt sa sarili. "That went well so let's go," dagdag ni Lukas na nakakuha ng kaniyang atensyon.
That fast? Muling napabaling si April sa rear view mirror kung saan nakikita niya ang mga medic na nililipat na sa stretcher ang katawan ng driver na sa tingin niya ay unconscious pa rin dahil sa nangyaring aksidente.
"I should have been there," mahinang sabi ni April pagkatapos ay napayuko habang nararamdaman ang tila pag-iinit ng kaniyang mata.
Mas lalo niyang iniyuko ang kaniyang ulo habang pinipigilan ang pagtulo ng kaniyang luha na ngayon ay nagsisimula ng pumatak sa kaniyang pisngi.
I should have been there and face what I have caused. Nang dahil sa kaniya ay may naaksidenteng tao at dapat ay siya ang humarap do'n ngunit sa sobrang gulo ng utak niya maging ng nararamdaman niya, hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Pagod na pagod na rin siya sa sobrang dami ng problema niya na ngayon ay nagsabay-sabay pa.
"Everything will be fine, Hailey's friend," rinig niyang sagot ni Lukas kung kaya't tuluyan na siyang napaluha.
Fine? Dahan-dahang napailing si April dahil sa sinabing iyon ni Lukas. She definitely can not act that everything will be fine just like what Lukas just said. She messed up. Everything around here feels messed up.
Ni hindi alam ni April kung may lugar pa ba para sa kaniya kung saan makakaramdam siya ng katahimikan at kapayapaan mula sa lahat ng problema na ngayon ay sobrang dinudurog ang pagkatao niya. Kahit saan ay parang hinahabol pa rin siya ng kamalasan niya kung kaya't pakiramdam niya ay walang perpektong lugar kung saan puwede niyang kalimutan ang lahat, kahit saglit na pagkalimot lang mula sa lahat ng bagay na dinudurog siya ngayon.
"You..." sabi ni April kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha na pilit niyang pinipigilan. "Y-you don't know what you are saying," dagdag niya kapagkuwan ay nag-angat ng tingin kay Lukas na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya.
"Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na gawing tanga ng taong pinagkatiwalaan at minahal mo. Hindi mo alam kung anong pakiramdam na lokohin ka ng paulit-ulit kahit na pagmamahal na tunay na ang ibinibigay mo..." sabi ni April kasabay ng tuloy-tuloy na pagtulo ng kaniyang luha.
Damn it! Hindi ko na dapat pa sinabi ang mga bagay na iyon. Hindi na niya dapat sinabi ang mga bagay na iyon kay Lukas dahil magmumukha na naman siyang tanga, sa harap pa ng taong malayong-malayo sa level niya. Sa kagaya pa ni Lukas na sanay na sa buhay na puno ng kasiyahan at babae.
But I can't also stop myself. Sabi ni April sa kaniyang sarili habang nararamdaman ang puso niya na para bang pinipiga dahil sa sakit na nararamdaman niya.
I want to shout everything! Gusto niyang isigaw ang lahat kahit na sinabi na niya sa sarili niya na ayaw niyang pag-usapan iyon. Sa lahat ng masakit na bagay na nangyari ngayon sa kaniya, gusto niyang isigaw ang sakit na idinulot sa kaniya ng mga taong pinagkatiwalaan niya.
"You don't have the right to say to me that everything will be fine when you don't know how much hurt I am right now," aniya kapagkuwan ay pinunasan ang kaniyang basang pisngi. "Sobrang sakit na lahat na lang, sinaktan ako kahit na ibinigay ko na ang best ko para sa kanila."
Dinig ni April ang malalim na pagbuntong-hininga ni Lukas ngunit hindi niya ito nilingon. Sa sobrang bigat ng pakiramdam niya, mas gusto niya na lang na ilabas ang lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman. Mas gusto niya na lang umiyak-umiyak.
"I understand," rinig niyang sabi ni Lukas na ikinatigil niya sa pag-iyak pagkatapos ay bahagyang lumingon dito. "I'm sorry. I shouldn't have said those things to you. I'm stupid," dagdag nito na saglit niyang ikinalaki ng mata.
He's apologizing? Tanong ni April sa kaniyang isip kapagkuwan ay mas lalong napaiyak habang nakatingin kay Lukas na ngayon ay nag-iwas ng tingin sa kaniya.
But why? Sigurado si April na hindi naman siya karapat-dapat. At kung naaawa lang din naman sa kaniya si Lukas, hindi niya kailangan na kaawaan siya nito o kahit na sino.
"Stop apologizing when you don't mean it," mahinang sabi ni April.
Nakita niya sa kaniyang peripheral vision na umiling-iling si Lukas kung kaya't alam niya na maging si Lukas ay sumuko na sa kadramahan niya. Hindi na niya ito nilingon ngunit narinig niya ang pagkilos nito kasunod ang biglang pag-andar ng kotse. Pagkatapos no'n, hindi na narinig pa ni April si Lukas na nagsalita.
Basta na lamang nito pinasibad ang kotse kapagkuwan tahimik na nagmaneho at halos mag-iisang oras na rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin nawawala ang bigat sa kaniyang dibdib.
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak kasabay ng malakas na pag-ulan na para bang nakikisama ang panahon sa nararamdaman niya at dahil do'n, mas lalo lamang sumama ang pakiramdam niya. Gusto niya na rin magpahinga sa kakaiyak ngunit hangga't wala pa siya sa bahay ni Hailey, hindi niya rin magagawang ipikit muna ang mga mata niya kung kaya't nanatili na lamang siyang nakatulala habang ang tingin niya ay nasa labas ng kotse.
Natigilan sa pagkatulala si April nang bigla niyang maramdam ang pagtigil ng kotse kasabay ng pagkapatay ng engine. Dahil sa pagtataka, bahagya siyang napatingin kay Lukas na ngayon ay may kung anong tinitignan sa cell phone.
Seryoso ang ekspresyon na nakikita ni April kay Lukas kung kaya't umiwas na lamang siya ng tingin at muling bumalik sa pagkatulala nang bigla na lamang siya napabahing. Dahil do'n, muli na namang nakaramdam ng hiya si April.
Hindi niya alam kung nakatingin si Lukas sa kaniya. Ayaw niyang lumingon dahil sa hiya na kaniyang nararamdaman. Dasal niya ay sana hindi na lamang siya pansinin ni Lukas ngunit muli siyang natigilan at bahagyang napalingon kay Lukas na ngayon ay binuksan ang pinto ng driver's seat.
Nagtatakang napatingin na lamang si April sa likod ni Lukas kasabay ng pagsirado nito ng pinto ng kotse. Kahit na umuulan ay nagsimula na itong maglakad papalayo. Hindi alam ni April kung saan papunta si Lukas.
Nang makita niya rin ang lugar kung saan naka-parking ang kotse, saka niya napagtanto na hindi niya alam ang lugar kung nasaan siya ngayon. Sa nakikita niya ay punong-puno ang lugar ng mga tao kahit na maulan. Katapat ng parking lot ay puro mga nagsisitaasang gusali na hindi rin pamilyar sa kaniya kung kaya't napabuntong-hininga na lang siya.
Tanging paglunok na lang ang nagawa ni April habang nararamdaman ang kaniyang lalamunan na nanunuyo. Hindi rin alam ni April kung malapit na sila sa lokasyon kung saan nakatira si Hailey kung kaya't wala nang nagawa si April kung hindi ang muling bumuntong-hininga.
"Kung bakit naman kasi ang drama ko," bulong ni April sa kaniyang sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.
Ilang minuto rin siyang nakatulala habang naghahantay nang bigla niyang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto ng kotse. Agad na dumapo ang tingin niya kay Lukas na ngayon ay may dala-dalang malalaking brown bag. Sa sobrang laki niyon ay halos matakpan na ang mukha nito.
Nanlaki ang mata ni April nang maalala niya ang mga brown paper bag na dala-dala ni Lukas matapos nitong makalabas sa restaurant ilang oras lang ang nakalipas. Natatandaan niyang inilagay nito sa back seat ang mga binili nitong pagkain kanina kung kaya't bahagya siyang napalingon do'n habang naririnig ang pagkilos ni Lukas sa loob ng kotse.
"Okay..." biglang sabi ni Lukas na dahilan para muli niya itong lingonin. "Sorry, natagalan ako. Ang haba kasi ng pila," sabi ni Lukas pagkatapos ay isinirado ng pinto ng kotse sa gilid nito habang hawak-hawak pa rin ang mga paper bag gamit ang kabila nitong kanan nitong braso.
Nanatiling tahimik si April habang pinapanood na ngayon si Lukas na binubuksan ang mga paper bag. Nakataas lamang ang isa niyang kilay habang nagtataka sa mga pinamili ni Lukas.
"Here, I bought more foods. Kumain ka na muna ng mainit. Nagpaulan ka pa naman," sabi ni Lukas bago nito inilabas ang mga bilugang tupperware. "Hindi ko alam kung ano gusto mo kaya lahat ng may sabaw binili ko sa menu. Bulalo, lugaw, lomi, La Paz Batchoy, Champorado and Ramen."
Dahil sa mga sinabing iyon ni Lukas, nanlalaki ang mata na napatitig siya dito habang pinapanood niya itong isa-isang nilabas ang mga tupperware at maingat na ipinapatong ang mga iyon sa itaas ng dashboard.
He bought these foods for me? Hindi alam ni April kung ano ang dapat niyang maramdaman dahil sa ginawa ni Lukas para sa kaniya. Binilhan siya nito ng pagkain. Ulit. Kung kanina ay nag-aya itong kumain dahil sa takot nito kay Hailey, ngayon naman ay binilhan siya nito ng pagkain para lamang mainitan siya gawa ng pagligo niya sa ulan ilang oras lamang ang nakalipas.
"Wait! Before you eat, I want you to change your clothes," sabi ni Lukas habang may inilalabas na naman ito mula sa brown paper bag.
"W-what?! Here?" medyo gulat na sabi ni April habang nakatingin kay Lukas na ngayon ay may inilapag na mga pajama sa kaniyang harapan.
"No! No..." sabi ni Lukas habang umiiling-iling. "You can change on a comfort room nearby," ani ni Lukas na ikinahinga naman ng maluwag ni April. "One size lang iyang mga pajama kasi hindi ko alam kung ano ang size mo. Tatlo lang rin ang binili ko para may pagpipilian ka."
Sa tatlong pares ng pajamas na binili nito, may kaniya-kaniya itong tema na agad niyang nakilala. We Bare Bears, Akatsuki mula sa Naruto at Bugs Bunny. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis dahil sa mga binili nito. Kung kagaya lang siya ng ibang babae kung saan matu-turn off sa mga pinamili ni Lukas, baka nainis na talaga siya.
Mabuti na lang at binilhan niya ako ng Akatsuki pajama. Matagal na niyang natapos ang Naruto at matagal na rin siyang nagbabalak na bumili ng Akatsuki na pajama pero nakakalimutan niya lang dahil sa may iba pa siyang bagay na importanteng maunang bilhin. At ngayon, alam niya ang pipiliin niya.
"Sorry. I know it's childish but it's the only thing that I can think for you to wear and help you get warm," sabi ni Lukas habang ang isang kamay nito ay kumakamot sa batok nito. "And there's a women's comfort room when you turn left there," dagdag nito habang may itinuturong direksyon. "You can easily see it once you turned left."
Pagkatapos sabihin iyon ni Lukas, mabilis itong umiwas ng tingin nang makita siyang nakatingin dito kung kaya naman napaiwas na lang din ng tingin si April habang tinatago ang ngiti na gumuhit sa kaniyang labi.
"T-thank you for this," nahihiyang sabi ni April habang pilit pa rin na itinatago ang kaniyang ngiti bago niya kinuha ang Akatsuki themed na pajamas.
Mabilis na binuksan ni April ang pinto ng kotse sa kaniyang gilid pagkatapos niyang makuha ang pajamas na kaniyang pinili. Medyo umaambon pa rin kung kaya't mabilis rin siyang sumilong habang papunta sa direksyon kung saan itinuro ni Lukas ang comfort room na sinasabi nito kung saan puwede siyang magpalit.
At tama nga si Lukas dahil matapos niyang lumiko, nakita niya agad ang sign ng comfort room kung kaya't mas binilisan niya ang kaniyang paglakad at mabilis na pumasok do'n. Nang makapasok siya sa comfort room, agad siyang dumiretso sa isang cubicle kapagkuwan ay mabilisang nagpalit ng damit.
Mabilis na napangiti si April nang makita niya ang kaniyang sarili sa salamin na katapat ng mga nakahilerang sink. Ang astig at cute!