22

2032 Words
April can feel the comfy cotton of the pajama in her skin as she looks at it on the mirror. Gustong-gusto niya ang pajama na binili ni Lukas para sa kaniya at dahil rin do'n, muli na naman siyang nakonsensiya.  Hay! Kung bakit naman kasing napaka-negative at assumera niya. Ngayon ay sigurado na siya na mabait talaga si Lukas, iyon nga lang ay inunahan siya ng kagagahan niya para makita ang parteng iyon ni Lukas. Naging judgemental siya sa part na iyon. Inakala niya na baka naaawa lang ito sa kaniya dahil alam niya. Sobrang kaawa-awa ang itsura niya ngayon. Nangingitim na ang ilalim ng mata niya habang ilang patong na ng eyebags ang nakapatong na ngayon ang makikita sa kaniyang mata.  Kung may makakakita man sa kaniya, alam niya na iisa lang ang mararamdaman nito. Awa. Maging siya ay hindi mapigilang makaramdam ng awa sa sarili niya nang makita na niya ang sarili niya sa salamin.  Habang nakatitig siya sa kaniyang sarili, mas lalo lang siyang nakakaramdam ng awa para sa kaniyang sarili. Isang tingin pa lang sa kaniya ng mga tao, isinisigaw na ng buong mukha niya ang pagod na ilang oras na niyang nararamdaman kahit na buong oras ng biyahe ay wala naman na siyang ginawa kung hindi ang umupo lamang sa katabing seat ni Lukas habang nakatingin sa patak ng mga ulan na gumagalaw pababa sa bintana ng kotse.  "Girl, have you heard?" rinig ni April na sabi ng isa sa mga babaeng bagong pasok sa comfort na nakapagpagising naman ng kaniyang diwa.  Napailing-iling na lang sa April nang muling niyang tignan ang sarili sa huling pagkakataon pagkatapos ay yumuko. Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim habang naririnig ang pagkilos ng dalawang babae sa loob ng comfort room. Binuksan niya ang gripo ng tubig mula sa sink na nasa kaniyang harapan habang ang mata niya ay bahagyang napatingin sa dalawang babae na ngayon ay pumuwesto sa dulong sink.  "Ano na naman ang chika mo? Kahit kailan ka talaga, ang dami mong nalalaman," natatawang sabi ng isang babae na nakakasuot lang ng simpleng pattern dress sa kasama nito. "It's about Julian." Agad na nanigas si April mula sa kaniyang kinatatayuan pagkatapos marinig ang pangalang sinabi na iyon ng babae.  Si Julian? Agad na napahawak si April sa kaniyang dibdib nang maramdaman ang mabilis na pagsikip ng kaniyang dibdib. Marinig pa lang ang pangalan na iyon ay muli na naman niyang naalala ang lahat ng nangyari pagkatapos niyang makipaghiwalay kay Julian.  That jerk! Naghalo ang galit at lungkot na kaniyang nararamdaman. Pagod na rin siya mentally at physically. Hindi niya rin alam kung ilang oras siyang umiyak kanina dahil ang alam niya lang, hindi siya tumigil pagkatapos niyang mapagsalitaan si Lukas. Kaya ngayon, ramdam niyang uhaw siya ngunit wala do'n ang atensiyon niya.  Ang atensiyon niya ay nasa kung anong sasabihin ng babaeng binanggit ang pangalan ng lalakeng gusto niyang hindi muna makita o marinig kahit man lang ang pangalan nito ngunit kahit saan yata siya pumunta, hahabulin pa rin siya ng mga bagay na konektado kay Julian.  "Balitang-balita siya ngayon. f*******: at Twitter ko, puro tungkol sa kaniya ang nakikita ko," pagkukuwento ng babae na ngayon ay tinitignan ang sarili sa salamin.  Bahagya siyang sumisilip sa dalawang babae habang pinapanatili ang kaniyang sarili nakayuko. Ayaw niyang makita at mapansin siya ng dalawang babae na nakikinig siya sa mga pinag-uusapan ng mga ito ngunit doon siya nataranta nang bigla na lamang napansin siya ng babaeng nagkukuwenta kay Julian.   Nagtaas ito ng kilay sa kaniya kung kaya't mabilis siyang kumilos. Tumalikod siya at mabilis muling pumasok sa cubicle kung saan siya nagbihis. Dala-dala niya ang damit niyang may pagkabasa gawa ng pagligo niya sa ulan kung kaya't isinampay niya muna ito sa sampayan na nakadikit sa likod ng pinto ng cubicle. Nilock niya muna ang pinto ng cubicle kapagkuwan ay bahagyang  dumikit sa cubicle para makinig sa sasabihin ng babae.  "Eh, ano nga kasi ang mayro'n sa lalakeng iyon?" rinig niyang tanong ng babae na kasama ng babaeng nagkukuwento tungkol kay Julian. "Loka ka, ano bang mayro'n sa lalakeng iyon?" Ano bang mayro'n kay Julian? Tanong ni April sa kaniyang sarili habang iniisip ang kaniyang nakaraan kasama si Julian. Ano nga bang mayro'n kay Julian at na-fall ako sa kaniya? Ngayong  naaalala na naman niya ang nakaraan, hindi niya maiwasang mapaluha habang nararamdaman ang kaniyang puso na para na namang pinipiga sa loob ng kaniyang dibdib. "Siyempre! Alam mo naman na crush ko siya, eh," sagot nito na kaniya namang ikinangiti ng mapakla.  Kung alam lang ng mga ito kung ano talaga ang tunay na pagkatao ni Julian, sigurado siya na baka kagaya niya ay mandiri ang mga ito kay Julian dahil maging siya ay gano'n ang naramdaman simula pa lang na makita niya ang mga pictures na ipinadala sa kaniya. Kahit isa sa mga litrato na iyon ni Julian, ni isa ay wala siyang kinuha dahil marinig pa lang ang pangalan ni Julian, tila nakarehistro na sa utak niya ang lahat ng mga nakita niya para hindi niya makalimutan ang mga iyon.  "Hay nako! Alam mo, iyong mga kagaya ni Julian, mukha ngang anghel pero duda ako na mabait talaga siya," rinig niyang sabi ng kasama nito na kaniya namang ikinabuntong-hininga.  "Heh! Judgemental ka lang, eh. Mabait kaya si Julian. Halos lahat kaya nakikita na gentleman siya." "On cam lang iyon, paano kung off cam ay hindi naman talaga siya sa mala-anghel?" Sa sinabing iyon ng babae, naalala niya kung ano ang usual na ugali ni Julian tuwing magkasama sila. Naalala niya na lagi itong mabait at thoughtful, madalas naman ay malambing at hinaharot siya kagaya ng sabi ni Hailey sa kaniya.  "Eh, bahala na. Ang gusto ko lang naman ikuwento ay iyong tungkol sa mga issue niya ngayon. Kalat na kalat sa f*******: at Twitter iyong picture niya na..." Picture? Curious na dumikit si April  sa pinto para marinig ang kasunod na sasabihin ng babae tungkol kay Julian. Does that mean that those pictures already leaked? Those picture that contains Julian's bad side. Sa oras na mailabas kahit isang litrato lang mula sa maraming pictures na na-receive niya, sigurado si April na magiging umpisa na iyon ng pagbagsak ni Julian bilang artista.  "Iyong picture niya na may pasa siya sa mukha," pagpapatuloy ng babae na ikinahinga naman ng maluwag ni April.  "Ang sabi kasi sa nabasa ko sa Twitter, may nakakita daw na fan kay Julian. Mabilis nilang nakilala na si Julian iyon dahil na rin sa hindi man lang daw tinakpan ni Julian ang pagmumukha niya habang nasa publiko. Marami tuloy ang nagtaka at ginawang big deal iyong pasa ni Julian. Nakakapagtaka. Saan kaya nanggaling iyong pasa na nasa mukha ngayon ni Julian?" "Sabi ko sa iyo, eh. Baka naman hindi talaga anghel iyang Julian na iyan, demonyo naman yata iyang crush mo at basagulero," komento ng isa na iniling-ilingan naman ni April. Kahit kailan ay hindi pa nakita ni April na naging basagulero si Julian. Sa buong pagsasama nila ay napakabait nito kung kaya naman hindi niya rin talaga inakala na magagawa siyangbilugin at lokohin ni Julian. Kung gaano kabait si Julian sa buong pagsasama nila, gano'n naman pala ito kagago at wild sa kama kasama ang maraming babae in courtesy of the pictures she has seen.  Napabuntong-hininga na lang si April at kahit papaano ay nabawasan ang pagkabahala niya. Kahit na dapat ay matuwa siya kung sakaling kumalat na nga ang baho ni Julian, hindi niya pa rin magawa na maging masaya. Kahit na sa unang pagkakataon ay nagawa niyang maging masama sa harap ng taong minahal niya, hindi niya pa rin maiwasan na alalahanin si Julian.  "Hindi!" rinig ni April na pagtanggi ng babaeng nagkukuwento tungkol kay Julian. "Hindi siya masama, okay? Hindi siya basagulero o kahit ano," dagdag nitong pagdedepensa para kay Julian na ikinahinga ng malalim ni April.  Kung alam lang nila ang nangyari sa aming dalawa. Sabi ni April sa kaniyang isip.  "Hay nako, ewan ko sa iyo. Masyadong sarado ang utak mo diyan sa Julian na iyan. Sinasabi ko sa iyo, tandaan mo. Kung sino pa ang mga guwapo at mukhang anghel kagaya ng Julian, sila pa ang may tinatago." Just like what Hailey said.  Muling sabi ni April sa kaniyang sarili pagkatapos marinig ang mga sinabing iyon ng babaeng kasama ng nagkukuwento tungkol kay Julian. Kagaya ni Hailey, pinagsabihan din siya nito. Napaka-open na kaibigan ni Hailey sa kaniya to the point na lantaran nitong ipinapakita na hindi nito gusto si Julian. Kung umaasta ito ay parang ito pa ang nanay niya na sinasaway siya dahil kay Julian.  Ngunit sana nga ay pinakinggan niya ang mga sinasabi sa kaniya ni Haileyn noon. Sana nga ay  pinansin na niya ang mga napapansin na red flags ni Hailey noon kay Julian simula nang mapagdesisyunan niya na manirahan kasama si Julian sa iisang bubong. Kung nakinig lang siya at hindi nagbulag-bulagan kagaya ng ginagawa ngayon ng isang fan ni Julian ay hindi na sana siya nasaktan.   "Bleh! Anyway, hindi lang iyon ang issue ngayon ni Julian," sabi nito na ikinakunot ng noo ni April.  "You mean, mayro'n pa? Bakit yata matunog siya ngayon?" Muling dumikit si April malapit sa pinto ng cubicle para marinig ang sunod na sasabihin ng fan ni Julian.  "I don't know. Pati nga ako ay nagulantang kasi trending si Julian sa Twitter.  Iyong isa pa niyang isyu, may rumors na may secret relationship sila ni Macy Perada. Iyong kotse daw kasi ni Macy Perada ay nakitang nakaparada malapit sa building kung saan nanunuluyan si Julian." Naramdaman na naman ni April ang paninikip ng kaniyang dibdib lalo na nang muling bumalik sa kaniyang isipan ang eksena kung saan natagpuan niya si Julian na may kinakalantaring babae na walang iba nga kung hindi si Macy Perada.  "Oh, kung hindi basagulero, baka cheater siya. Hindi ba at may non-showbiz na karelasyon si Julian? Bakit naman madadawit si Macy Perada? Mukha namang hindi gano'ng klase ng babae si Macy Perada na papatol sa may karelasyon na." Naiyukom na lang ni April ang kaniyang kamao pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Iyon ang inaakala mo. Gustong sabihin ni April na nagkakamali ito tungkol kay Macy Perada. Kay Macy na mismo narinig na alam nitong may karelasyon si Julian ngunit pinili pa rin nitong sumama kung saan nakatira si Julia at makipagtalik doon pa sa mismong lugar kung saan din siya nakatira.  "Well, I don't know. Baka hiwalay naman na si Julian doon sa non-showbiz na karelasyon niya. Bagay din naman si Macy at Julian iyon nga lang, magiging postponed muna daw ang mga projects ni Julian especially mga tours kasi nga, may pasa siya sa mukha." Serves him right. Gago si Julian at kung gago ito sa kaniya, tama lang na naging gago din siya. Kahit na pakiramdam niya ay hindi sapat ang sapak at pasa na ibinigay niya dito, masaya na rin siya lalo na at ngayon niya lang rin napatunayan kung gaano ka-feeling guwapo si Julian. Hindi niya iyon napansin noong una dahil nga pa-humble ito at mabait ngunit kung ang films lang rin naman ni Julian ang pag-uusapan, puwedeng-puwedeng takpan ng make-up ang pasa na tinamo ni Julian sa sapak na ibinigay niya dito ngunit ang malaman na maging ang mga shooting nito ay ipina-cancel, doon na siya natawa.  Totoo nga talaga kung kailan tapos na ang lahat sa isang relasyon, doon nakikita ang mga bagay na hindi nila napansin noong magkarelasyon pa. Masyado siyang binulag ng pagmamahal at ilang beses na rin siyang paulit-ulit na nasaktan pero ngayong nasaktan siya uli, pinapangako niya sa sarili na hindi na siya ulit ang masasaktan.   Hindi na siya magiging tanga at baliw na magpapakamatay dahil sa pag-ibig. Enough na ang ilang beses na panlolokong ginawa sa kaniya ng mga taong pinagkatiwalaan niya. To be hurt so many times, it only made her heart numb. Sa sobrang pagmamahal, halos lahat ng oras niya ay inilaan niya sa taong inakala niyang tunay rin siyang minahal.  Mayro'n siyang kaibigan na kahit kailan ay hindi siya pinabayaan to the point na maging sa relasyon niya ay sinasabihan siya nito ngunit kahit kailan ay hindi niya pinakinggan iyon. Nagsisisi siyang kahit kailan ay hindi niya pinakinggan si Hailey. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD