23

2034 Words
Tahimik na napabuntong-hininga si April pagkatapos niyang marinig ang lahat ng pinag-usapan ng dalawang babae na nagkukuwentuhan tungkol kay Julian at sa mga kasalukuyang isyu ng damuho niyang ex. Lahat ay narinig at sa huli ay pareho rin siyang nainis sa dalawang babae.  Kung ang isa na nagkukuwento tungkol sa mga kasalukuyang isyu ng ex niya ay fan ng ex niya, ang isa naman ay napaghahalataang kumakampi sa nahuli niyang kinakalantari ni Julian na si Macy Perada. Halos ilang minuto rin siyang nakinig sa pinag-usapan ng dalawa kung kaya't sapat na ang mga narinig niya para masabi na parehong tanga ang dalawang babaeng pinakinggan niya.  Well. Tanga rin naman siya. Iyon nga lang ay hindi na siya bulag. Gising na siya sa katotohanan at ang mga dapat niyang malaman ay alam na niya. Niloko siya ni Julian at alam niya sa sarili niya na kahit ano pa ang mangyari ay hindi niya hahayaan na maloko siya ulit. Sapat na ang mga sakit na ibinigay sa kaniya noon ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan niya at ngayon, susubukan niya magbago.  Dahan-dahan, paunti-unti hanggang sa makagawa siya ng pangalan niya na madidinig ng mga taong sinaktan at niloko siya noon. Pangalan na madidinig ng mga taong sinaktan siya at magsisisi na sana ay hindi siya niloko noon.  Pero sa ngayon, kailangan niya muna magpahinga. Kailangan niya muna makapagpahinga hanggang sa kaya na niya uli makabangon at magawa ang unang hakbang ng plano niyang pagbabago sa sarili.  Nang marinig na papaalis na ang dalawang babae, ilang segundo lang ang hinintay ni April bago niya pinihit pabukas ang pinto ng cubicle kung nasaan siya kapagkuwan ay napabuntong-hininga nang makita na wala na siyang kasama sa comfort room.  Tahimik na ulit sa buong comfort room kahit na rinig niya pa rin mula sa labas ng comfort room ang bigla na naman paglakas ng ulan. Kahit nakapagpalit na rin siya ng damit, ramdam niya pa rin ang lamig na nanggagaling mula sa labas ng comfort room na pumapasok dulot ng malakas na hangin.  Ilang oras na rin walang tigil ang pag-ulan. Hindi niya alam kung may bagyo ba o may low pressure area lamang na napadaan sa bansa pero kahit na umuulan, kahit na papaano ay nakaramdam siya ng kaginhawaan. Kahit na lamig ang nararamdaman niyang bumabalot sa kaniyang katawan, hindi niya alam pero komportable pa rin siya.  Mukha ngang nakikisama sa akin ang masamang panahon ngayon. Sabi ni April sa kaniyang sarili kapagkuwan ay napabuntong-hininga. Tahimik siyang tumalikod mula sa salamin habang hawak ang kaniyang mga basang damit.  Palapit pa lang siya sa pinto ng comfort room nang makita niya si Lukas na nakayuko habang nakasandal ito sa pader.  Anong ginagawa niya sa labas ng comfort room? Walang salita na patuloy na naglakad si April.  Tila hindi nito naramdaman ang presensiya niya kahit na tumigil na siya sa harapan nito. Mukha itong may malalim na iniisip habang ang dalawa nitong kamay ay nakahalukipkip.  Malakas na ang ulan at dahil sa may kalakasan na hangin, medyo nababasa na rin silang dalawa ngunit hindi natinag si Lukas sa puwesto nito. Para bang wala itong pakialam habang unti-unting nababasa ang suot nitong damit kung kaya't wala nang sinayang oras si April.  "L-lukas?"  Shit! Inis na sabi ni April sa kaniyang sarili. Bakit kailangang mautal, self? As much as possible talaga, gusto na niyang makarating sa bahay ni Hailey.  Kahit na napatunayan ni April na may mabait na side si Lukas , ayaw niya pa rin na magkaroon ng matagal na komunikasyon kasama ang isang lalake, lalo pa at nasa iisang sasakyan rin sila magkasama. "H-huh?" ani Lukas nang tila ay nagising ito mula sa pagkakatulala.  Nanatiling tahimik si April habang pinapanood si Lukas na inangat ang kanang kamay nito bago iyon dumapo sa batok nito pagkatapos ay marahang hinimas. Nahihiyang ngumiti si Lukas na ikinataas niya ng isang kilay. "S-sorry. Just thinking about something." Halata nga. Tanging nasabi na lang ni April sa kaniyang sarili bago siya tumikhim. "Uh, yeah. Let's go?" sabi niya habang ang hinlalaki ng kanan niyang kamay ay nakaturo sa isang direksyon kung saan kailangan pa nilang lumiko ng isang beses upang mapuntahan ang parking lot.  Tumango naman si Lukas bilang sagot bago nito ipinasok sa magkabilang bulsa ang dalawa nitong kamay. Nagsimulang maglakad si April habang nakakaramdam ng awkwardness. Hindi niya alam pero tingin niya ay bigla na lamang nagbago ang mood ni Lukas sa hindi niya malamang dahilan.  Kaya ngayon ay hindi naman niya maiwasang makaramdam ng pagkaasiwa. Pinilit niyang hindi lumingon kay Lukas habang patuloy siyang naglalakad at tinatahak ang daan hanggang sa mapatigil siya nang ma-realize na wala siyang madaanan na hindi siya mauulanan.  Shit, paano 'to? Tanong ni April sa kaniyang sarili. Ayaw niyang mabasa na naman siya ng ulan lalo na at naka-pajama pa siya na Akatsuki. Gusto niyang ingatan ang pajama na ibinigay sa kaniya ni Lukas ngunit wala rin siyang maisip na paraan kung paanong makakalakad siya papunta sa kotse.  Wala siyang puwedeng madaanan kung saan masisilongan siya mula sa malakas na patak ng ulan. Tanging paraan lang para makalakad siya papunta sa kotse ay kung may payong siya dala ngunit wala rin siyang ibang dala kung hindi ang mga basa niyang damit.  "Ah, here," biglang sabi ni Lukas sa tabi niya na ikinalingon niya rito.  Tahimik siyang lumingon kay Lukas habang binubuksan nito ang isang folding umbrella. Sa liit ng folding umbrella, sa isip ni April ay puwede lamang iyon magamit ng isang tao kung kaya't nang iabot sa kaniya ni Lukas ang payong ay mabilis pa sa alas-kuwatro siyang umiling.  "H-hindi. Mababasa ka." At gano'n din naman ang mangyayari sa kaniya ngunit mas nangingibabaw ang hiyang nararamdaman niya.  Bahala nang siya ang mabasa ng ulan, huwag lang si Lukas. Kanina pa ito gumagastos para sa kaniya para hindi siya makaramdam ng hiya mula rito. Ang dapat lang nitong ginagawa ay ihatid siya papunta kay Hailey ngunit gumastos ito ng pera para sa kaniya.  "Take it, please," mahinahong sabi ni Lukas habang nakangiti sa kaniya. "Take it. Ayaw kong magalit sa akin si Hailey sa oras na dumating ka sa bahay niya na nilalagnat," sabi nito na ikinailing naman niya.  "Eh, paano naman ikaw? Baka lagnatin ka sa oras na maligo ka sa ulan," sabi niya na sinagot ng mahinang pagtawa ni Lukas.  "Kanina pa ako basa, actually. Remember..." sabi ni Lukas habang nakatingin sa kaniya. "... I saved you earlier. Alangan iligtas kita na may hawak akong payong, hindi ba?"  Napakurap-kurap si April sa sinabing iyon ni Lukas. Pinipilosopo niya ba ako o ganiyan lang talaga siya magsalita? "Just take this," may pinalidad na sabi ni Lukas habang ibinibigay sa kaniyang ang folding umbrella na hawak nito. "We are not going anywhere unless you take and use this umbrella. Is that what you want to happen, Hailey's friend?" tila nang-aasar na sabi ni Lukas sa kaniya. Ang sinabi ni Lukas ang pinaka-ayaw ni April na mangyari sa mga oras na iyon kung kaya't nahihiya man siya ay dahan-dahan niya na lamang kinuha ang folding umbrella mula sa nakalahad na kamay ni Lukas. Malawak naman napangiti si Lukas nang tuluyan niyang mapasakamay ang folding umbrella nito.  "Now, go," pagtutulak nito habang marahan siyang pinapaabante sa ulan. "Let me handle this," biglang sabi ni Lukas na ikinataka niya nang bigla na lamang hablutin ni Lukas mula sa kanang kamay niya ang mga basa niyang damit.  Shit! Agad na mura ni April kapagkuwan ay mabilis na ikinilos ang kaniyang kanang kamay upang hablutin ang mga damit niyang hawak ni Lukas habang ang isa niyang kamay ay hawak ang folding umbrella nito.  Mabilis na naiiwas ni Lukas ang nakarolyo niyang damit mula sa kamay niya hahablot dapat sa mga damit niyang hawak nito. Ayaw niyang ipahawak ang mga basang damit niya na iyon sa dalawang kadahilanan.  Una ay dahil sa hiya at ang pangalawa naman ay dahil sa bra niyang sikretong nakapaloob at nakarolyo sa loob ng kaniyang mga basang damit.  "A-ako na lang ang hahawak niyan. Nakakahi---" Ngumisi ito sa kaniya na kaniya namang ikinatigil sa pagsasalita habang nararamdaman ang nag-iinit niyang pisngi sa hiya.  "No need to feel embarrass, Hailey's friend," sabi ni Lukas bago ito mabilisang naglabas ng payong mula sa likod nito na kaniya namang ikinalaki ng mata.  May isa pa itong payong? Nanlalaki ang mata ni April habang nakatingin kay Lukas na ngayon ay pilyong nakangisi sa kaniya. Pero bakit niya kinuha ang mga damit ko?!  Bago pa makapagsalita si Hailey upang makuha ang mga basang damit niya na hawak ni Lukas, mabilis na binuksan ni Lukas ang hawak nitong folding umbrella kapagkuwan ay inipit sa kanan nitong kilikili ang basa at naka-rolyo niyang damit. Magsasalita pa dapat siya para kunin ang kaniyang mga damit nang mauna na maglakad si Lukas paabante sa ulan.  "T-teka!" natataranta niyang sabi habang binubuksan ang folding umbrella niyang hawak.  Lumingon sa kaniya si Lukas at nakangiti siyang tinignan. "Let's go!" sabi nito bago siya muling tinalikuran na mas lalo niyang ikinataranta.  "Teka, saglit!" ang tanging nasabi ni April habang si Lukas naman ay nagpatuloy na sa paglakad.  "Hays!" natatarantang ani ni April nang tuluyan na niyang nabuksan ang hawak niyang payong kapagkuwan ay mabilis na sumunod kay Lukas papunta sa kotseng nakaparada.  Lakad-takbo ang kaniyang ginawa para mabilis na mapuntahan si Lukas. Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman niya habang mahinang nagdadasal na sana ay hindi buksan ni Lukas ang nakarolyo niyang damit. Bukod sa nahihiya siya dahil ito pa ang nagdala ng basa niyang damit, hindi niya maintindihan kung bakit kailangang mag-insist na ito ang magdala ng mga damit niyang basa.  Kung tutuusin din ay nagsisimula na siyang ma-weirduhan sa ikinikilos nito. Ilang oras pa lang rin ang lumilipas na kasama niya si Lukas ay iba't ibang impresyon na ang nabuo para rito. Noong una ay ingleserong isnabero ang first impression niya kay Lukas ngunit kinalaunan ay lumabas din ang pagiging palangiti at pilyo nito.  Right. Ngayong napagtanto na niya iyon, naobserbahan niyang palangiti si Lukas. Ngayong nakakausap na niya ito ay dumadalas rin ang pagngiti nito sa kaniya. Aminado naman siya na kahit papaano ay naku-kyutan siya sa pagngiti nito ngunit gusto niya rin na pigilan ang kaniyang sarili na masiyadong ma-apektuhan. Kagagaling niya lang sa breakup at hindi niya gusto ang ideya na porke may kasama siyang guwapo ay kumekerengkeng na siya.  Ayaw niyang maging kagaya ni Julian na kahit nasa relasyon ay lumalandi. Kahit pa ito ang unang nanloko sa relasyon nila. Kahit kailan ay hinding-hindi niya gagawin kung ano ang ginawa nito sa kaniya at ng mga naging ex-boyfriend.  Dahil sa nauna si Lukas ay mas nauna pa itong nakapasok sa loob sa kotse kung kaya naman napatakbo na rin si April para lamang sa mga damit niyang basa na hawak-hawak ni Lukas. Nang makalapit siya sa kotse, mabilis pa sa alas-kuwatro na binuksan niya ang pinto ng kotse at agad na pumasok sa loob kapagkuwan ay hinarap niya si Lukas upang hanapin ang mga basa niyang damit rito.  "I-iyong mga damit ko?" kinakabahang tanong niya habang nakatingin kay Lukas na ngayon ay nakahawak na sa manibela ng kotse.  "Don't worry. I'm not planning on stealing your clothes," sagot nito pero mas lalo lang kinabahan si April lalo na at hindi niya makita ang mga basa niyang damit.  Eh, nasaan na nga kasi ang mga damit ko?! Tanong niya sa kaniyang isipan habang tumitingin-tingin siya sa bahagi kung saan nakaupo si Lukas. Ayaw niya man isipin na baka kinuha ni Lukas ang mga basa niyang damit pero iyon talaga ang tumatak sa isipan niya. "P-puwede ba..." nauutal niyang sabi na ikinalingon ni Lukas sa kaniya.  Nakaguhit ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya na kinakabahan.  "What?" ani Lukas.  "I-iyong damit ko, akin na," aniya na agad naman ikinangiti ni Lukas bago itong umiling-iling na kaniya namang agad na ikinakunot ng noo.  Anong nakakatawa? Tanong ni April sa kaniyang isipan kapagkuwan ay tinaasan ng kilay si Lukas nang yumuko ito habang ang dalawa nitong kamay ay nakahawak sa manibela.  "I bet..." panimula nito na mas lalo niyang ikinataas ng kilay. "... I bet you're thinking that I stole your clothes but..." Nanatiling nakakunot ang noo ni April habang hinahantay si Lukas na tapusin ang sasabihin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD