"I bet..." panimula ni Lukas na ikinataas naman ng kaniyang kilay. "... I bet you're thinking that I stole your clothes but..."
Nanatiling tahimik si April habang nakataas ang kaniyang kilay na nakatingin kay Lukas. Bumuntong-hininga si Lukas na para bang may malalim itong pinoproblema bago siya nilingon.
"Just like what I said, Hailey's friends," pagpapatuloy ni Lukas na ngayon ay seryoso ang mukha na nakatingin sa kaniya. "I did not steal your clothes or keep them for myself. As a matter of fact, someone will be very angry once I did something hideous so..."
Napakurap-kurap na lamang si April dahil sa sinabing iyon ni Lukas. So may girlfriend siya? Hindi makapaniwalang tanong ni April sa kaniyang isip kapagkuwan ay nakaramdam ng inis. Muling bumalik sa kaniyang alaala ang mga nangyari ilang oras lang ang nakalipas.
Ang eksena kung saan nakapa-entertaining ni Lukas mula sa mga waitress at kababaihang nasa restaurant na pinuntahan nila
"So may girlfriend ka pala?" malamig na sabi ni April bago siya natauhan.
Huli na para ma-realize ni April ang nasabi niyang iyon. Nasa mukha ni Lukas ang pagtataka habang nakatingin sa kaniya.
"Uh, girlfriend?" tila nagtatakang sabi ni Lukas sa kaniya.
I shouldn't have said those words. Problemadong sabi ni April sa kaniyang isip habang tinitimpi ang sarili na makapagsalita na naman ng mga salitang sigurado siyang pagsisisihan niya.
Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano si Lukas ngunit hindi niya rin mapigilan ang mainis sa lalake. Naiinis siya dahil kung may someone naman pala ito ay hindi na dapat ito naglalandi kagaya ng nakita niyang eksena kung saan todo kung ngumiti si Lukas sa mga kababaihan noong nasa restaurant pa sila ilang oras na ang nakalipas.
Kagagaling niya lang sa hiwalayan at dahil sa niloko na naman siya ulit, hindi maiwasang maging bitter at iritado ni April. Kung kanina ay naiinis lang siya dahil sa nakita niyang ini-entertain ni Lukas ang mga kababaihan sa restaurant na pinuntahan nila, ngayon naman ay nag-level up sa galit ang kaninang nararamdaman niyang inis.
May special someone naman pala siya, bakit wagas siya kung makipaglandian at makipagpalitan ng ngiti sa mga kababaihan na nasa restaurant kanina?
Hindi niya ma-take ang gano'ng pag-uugali ni Lukas. Alam kaya ng someone niya na may gano'n siyang pag-uugali?
Dahil ngayong alam na niya na may someone pala si Lukas, Paulit-ulit bumalik sa isipan niya ang eksena kung saan nakita niyang malawak na nakangiti si Lukas sa mga kababaihan at kasunod no'n, ang eksenang naabutan niya kung saan nakikipagtalik si Julian sa artistang si Macy Perada at dahil doon, mabilis na pumikit si April kapagkuwan ay iniyukom ang kaniyang kamao upang pigilan ang sarili niya na makapagbitaw ng salita na talaga namang pagsisisihan niya.
What a jerk!
"Never mind it," mahinang utas ni April na sapat para marinig ni Lukas kapagkuwan ay paulit-ulit na huminga ng malalim.
"H-huh? Are you okay?" rinig niyang tanong ni Lukas ngunit hindi na niya ito sinagot.
Malakas ang t***k ng kaniyang puso gawa ng galit na nararamdaman niya hindi lang para kay Lukas. Dahil sa naalala na naman niya ang ginawang kagaguhan ni Julian, pakiramdam niya ay gusto na naman niya itong masapak kahit na ramdam pa rin niya ang pananakit ng kaniyang kamao na ginamit panapak sa manloloko niyang ex-boyfriend ilang oras na ang nakalipas. Dahil kasama niya rin ngayon si Lukas na nadiskubre niyang may special someone, galit rin siya rito.
Gusto niyang pagsalitaan si Lukas at magalit dahil sa ginagawa nito tuwing wala ang girlfriend nito ngunit pinili niya na lamang niya ang huminga ng malalim.
"H-hey," tawag sa kaniya ni Lukas ngunit hindi niya ito nilingon.
Nanatili siyang nakapikit habang pinapakalma ang malakas na t***k ng kaniyang puso. Galit pa rin siya ngunit kailangan niyang magtimpi. Kahit na gusto niyang magsalita at pagsabihan si Lukas ay ayaw niyang umabot sa punto na bumalik ito sa pagiging isnabero. Posible rin na baka ma-weirduhan ito sa kaniya o kaya naman ay mailang sa oras na pagsabihan niya. Hangga't maaari ay ayaw niya rin na masobrahan siya sa sasabihan dahil siya lang din ang mapapahiya.
Umpisa pa lang ay iniiwasan na ni April na magkaroon ng interaksiyon kay Lukas lalo na at hindi niya ito kilala. Nangangamba siya lalo na at nasa pinakamababang punto na naman siya ngayon ng buhay niya. Ang mga kagaya niya ay nangangailangan ng katulong at kasama.
Matagal na ni April alam ang katotohanang iyon dahil sa isa lang rin naman siyang tao. Ilang beses na siyang nasaktan gawa ng pamilya at pag-ibig kung kaya't tuwing sobra siyang nasasaktan, hindi niya sinasarili iyon. Lagi niyang pinipili na may kasama siyang umaagapay sa kaniya habang nasa proseso siya ng pag-galing kaya naman ang makasama rin ngayon si Lukas ay isa sa ayaw niyang mangyari.
Nasasaktan siya at gusto niyang ilabas ang galit at lungkot na nararamdaman niya pero ayaw niyang si Lukas pa ang mapagsabihan niya. Bukod sa lalake ito, nalaman niya rin na may pagkamaloko pala ito.
"Hailey's—"
Agad niyang pinutol ang sasabihin ni Lukas. "Just start the car, please. I want to go home," malamig na sabi ni April.
Malalim siyang huminga sa huling pagkakataon bago niya binuksan ang kaniyang mata na agad namang dumako sa labas ng bintana. Galit pa rin siya pero ramdam niyang dahan-dahan nang huminahon ang t***k ng kaniyang puso gawa ng galit.
This is hopeless. Sabi ni April sa kaniyang isipan ngunit bumuntong-hininga lang siya habang naaalala pa rin ang mga eksenang naabutan niya sa apartment kung saan sila nakatira ng manloloko niyang ex-boyfriend. Gusto na sana niyang makapag-move on agad pero maisip pa lang ang lahat ng pinagsamahan ni Julian ay naiiyak na siya.
Kung hindi nagloko si Julian ay masasabi niyang almost perfect na ang mga alaala niya habang kasama niya si Julian. Mula sa mga masasayang moment hanggang sa punto kung saan nag-aaway sila na nauuwi rin naman sa tawanan dahil sa pareho silang natatawa sa dahilan ng pinag-awayan nilang dalawa.
Mababaw lang ang kaligayahan ni Julian kagaya niya kung kaya't sa oras na nagbiro ang isa sa kanila ay mabilis na silang natatawa na para bang wala silang pinag-awayan.
At ngayong naaalala na naman niya ang mga moment na iyon ay nananakit na naman ang puso niya. Magkahalong galit, lungkot at hinanakit na naman ang nararamdaman niya. Nangingilid na rin ang luha sa kaniyang mata kung kaya't agad niya iyong inalis gamit ang kaniyang kamay pagkatapos ay ipinilit na tumingin sa labas ng bintana.
"Are you mad again? Did I do something wrong?" Nasa tono ni Lukas ang pag-aalala ngunit hindi niya ito nilingon.
Naninikip ang kaniyang dibdib habang ang kaniyang luha ay patuloy na dumadaloy sa kaniyang pisngi. She feel hopeless and tired but all she can do at the moment is weep silently. Ayaw niyang makita siya ni Lukas na umiyak kung kaya't sobra niyang isiniksik ang kaniyang sarili sa pinto ng kotse.
"Just start the car, please. Gusto ko nang makapagpahinga," tanging sabi ni April habang nararamdaman ang tumutulong luha sa kaniyang mata.
Hindi na niya narinig magsalita si Lukas pagkatapos no'n at kasunod no'n ay ang pag-andar ng kotse.
Stupid. Inis na sabi ni April sa kaniyang sarili. Nagpatuloy ang katahimikan sa buong kotse habang sila ay bumibiyahe at dahil do'n, gusto niyang kutusan ang kaniyang sarili. Ilang oras lang ang nakalipas ay okay na sila ni Lukas pero agad din iyong nawala dahil ulit sa kaniya.
Kahit rin naman may pagkamaloko si Lukas ay hindi siya nito pinapabayaan. Ilang beses itong gumastos para sa pagkain dapat nilang dalawa na para bang kakilala siya nito. Kusa rin itong bumili ng damit para hindi siya manatiling nilalamig at suot ang mga basa niyang damit.
Pinakitaan siya nito ng kabutihan at hindi siya pinabayaan na para bang hindi siya estranghero sa buhay nito. Malayong-malayo ang unang impresyon niya sa kung ano ang ipinakita sa kaniya ni Lukas ngayong nakasama na niya ito.
At kagaya ng nangyari pagkatapos niyang patahimikan si Lukas, ilang oras na ang lumipas ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsalita at nagpatuloy pa iyon. Nakatulog na rin si April dahil sa pagod at walang katapusan niyang pag-iyak ngunit mabilis rin siyang nagising nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto ng kotse sa kaniyang bahagi.
"Oh, my god!"
Napakurap-kurap na lamang si April habang dahan-dahan niyang ibinabangon ang kaniyang sarili mula sa pagkakasandal. May ilan siyang naririnig na pagkilos sa kaniyang paligid bago niya tuluyang nakita si Hailey na ngayon ay nakatingin sa kaniya habang naluluha.
"Ang bestfriend ko!" parang nagtatangis na sabi ni Hailey bago siya nito nilapitan at niyakap ng mahigpit na kaniya namang ikinatawa ng mahina.
"Ano ba naman iyan, Hailey?" natatawa niyang sabi habang nakaupo pa rin sa front passenger seat gawa ng yakap siya ni Hailey. "Para ka namang namatayan, eh," pagbibiro niya kay Hailey.
Medyo bumitaw si Hailey sa pagkakayakap sa kaniya bago siya nito tinignan na ngayon ay nakanguso.
"Eh, tignan mo naman kasi ang sarili mo, oh," sabi ni Hailey na kaniya namang ikinatigil. "Mukha ka nang patay. Namumutla ka pa tapos iyong eyebags mo, nangingitim," pagliliwanag ni Hailey na sinagot na lamang niya ng ngiti.
"Magiging okay din ako, Ley. Thanks for letting me crash here for the meantime," nakangiti niyang sabi na sinagot naman ng pag-iling ni Hailey sa kaniya.
"Ano ka ba? Wala ito, ano. I know na kung mangyari man sa amin ng asawa ko ang nangyari sa iyo ngayon, tutulungan mo rin naman ako," saad ni Hailey na kaniya namang tinango-tanguan. "Anyway, let's go now. Lukas' already upstairs. Ayaw niya daw gisingin ka kasi baka magalit ka na naman daw."
Huh? "Hindi naman ako magagalit, ah," nakakunot ang noo na wika ni April.
"I know right. Hindi ka naman heavy sleeper para magalit ka sa oras na gisingan ka. I mean, you're probably tired but waking you up will never be a problem kasi mabilis kang magising. Ano nga ba ang nangyari at parang natakot pa yata sa iyo si Lukas ultimo simpleng paggising sa iyo ay ayaw no'n gawin?" tanong ni Hailey habang nakaguhit ang pagtataka sa mukha nito.
"It doesn't matter, Hailey. Iba na lang pag-usapan natin," sagot ni April bago siya bumaba palabas ng kotse kapagkuwan ay sinarado ang pinto ng kotse.
"Weh?" rinig ni April na sabi ni Hailey kung kaya naman nakataas ang kilay na nilingon niya ito.
"What?" tanging sabi niya habang nakatingin kay Hailey na ngayon ay nagtataas-baba ang kilay habang nakangiti sa kaniya.
"Ang interesting naman. Biruin mo at ikaw lang pala ang kakatakutan ni Lukas," tukso ni Hailey na kaniya namang ikinabuntong-hininga.
"Really, Hailey?" medyo inis na sabi ni April habang nakatingin kay Hailey.
Minsan talaga ay nabubuwisit siya kay Hailey. Alam naman nitong kagagaling niya lang sa hiwalayan tapos ngayon ay inaasar pa siya nito at si Lukas.
"Sige na nga..." nakangusong sabi ni Hailey. "... next time na lang," pagdadagdag nito na ikinalaki ng kaniyang mata. "Follow me," huling sabi nito bago siya tinalikuran at naglakad papunta sa isang direksyon na kaniya namang sinundan.
Ngayong naglalakad na siya habang sinusundan si Hailey, saka niya lang napagtanto na nasa isa silang parking lot na nakapuwesto sa pinakailalim ng isang condominium. Sa paligid niya ay puno ng mga mamahaling kotse na may iba't ibang model at brand. Halos kahit saan siya lumingon ay kilala niya ang mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa parking lot.
"You live here, Hailey?" amaze na sabi ni April habang patuloy pa rin na sinusundan si Lukas.
"Oo. Ang gaganda ng mga kotse, ano?" tanong ni Hailey na kaniya namang sinagot ng pagtango-tango. "That's just the start, wait 'till we are inside the elevator here. Mas lalo kang mamamangha."
"Bakit? Anong mayro'n sa elevator?" curious na tanong ni April na agad namang nasagot nang tuluyan silang nakasakay sa elevator.
"Oh... my... god..." mangha na manghang sabi ni April habang nakatingin sa city lights na kitang-kita mula sa elevator na most parts ay gawa sa glass.
"Beautiful, isn't?" biglang tanong ni Hailey na kaniyang sinagot ng pagtango.
Dahil sa gabi na, mas lalong nagliliwanag ang iba't ibang kulay na nakikita niya ngayon mula sa buong city habang ang elevator naman ay patuloy na tumataas.