25

1505 Words
Hindi alam ni April kung sa anong floor sila titigil ni Hailey. Halos isang buwan na rin kasi ang nakalipas simula nang ipaalam sa kaniya ni Hailey na lumipat ito at sa isang buwan na iyon, kahit isang beses ay hindi siya nakabisita. Kahit ilang beses na rin siyang inaya ni Hailey na bumisita sa bago nitong tinitirhan, hindi niya magawang makabisita dahil sa kadahilanang buwan iyon ng anibersaryo nila ni Julian, bagay naman na ikinahiya niya ngayon dahil sa mga nangyari ilang oras na ang nakalipas.  Nahihiya siya at naiinis sa sarili. Muli na naman siyang nagkamali. Naulit na naman ang mga nangyari kagaya ng mga natapos niyang relasyon. Muli na naman siyang naloko at naging tanga na maging sa sarili niya at na-disappoint siya. Kung nakinig lang siya sa mg sinabing red flags ni Hailey noong umpisa pa lang, hindi na sana siya nasaktan.  "Hoy, okay ka lang?" untag ni Hailey sa kaniya habang siya ngayon ay nakatingin sa sahig ng elevator.  Muli na namang nanunubig ang kaniyang mata at pinipigilan niya ang sarili na umiyak habang nararamdaman ang sakit at hiya para kay Hailey. Bukod sa Tita niyang umagapay sa kaniya mula nang makalipat siya sa tinitirhan nito noon at depress na depress mula sa mga nangyari , tanging si Hailey lang ngayon ang taong may pakialam at sinalo siya. Sa huli, ang kaibigang pinili niyang hindi piliin mula sa mga past decisions niya simula nang maging sila ni Julian ang ngayo'y tumutulong sa kaniya.  And she hate it. Naiinis siya sa katotohanang pinili niya ang magpakatanga. Naiinis siya na pinili niya ang taong minahal niya nga ng tunay pero sa huli ay nagawa siyang lokohin at ipagpalit dahil lang sa s*x. Naiinis siya na nagbingi-bingihan at bulag-bulagan siya mula sa tunay na kulay ni Julian na maaga namang sinabi at binigyang babala sa kaniya ni Hailey.  "April?" muling tawag sa kaniya ni Hailey ngunit hindi niya ito nilingon bagkus ay tumalikod siya mula sa direksiyon ni Hailey. Mali na pumunta pa ako dito. Inis na sabi ni April sa kaniyang sarili. Hindi na dapat siya pumunta sa lugar ni Hailey. Huli na nang ma-realize niya kung gaano siya katanga para hindi makinig sa kaibigan niyang totoong may pakialam sa kaniya.  Naiinis siya sa katotohanang dahil rin sa kaniya kaya ngayon ay muli siyang nasaktan. Na pinili niyang maging bulag kahit na ramdam na niya kung ano ang mga sinasabi ni Hailey sa kaniya tungkol kay Julian at sa mga kinikilos nito kahit na may bisita sila sa apartment.  "Beb, alam ko... Mahihirapan ka na naman mag-move on. I know the feeling. Naiintindihan kita diyan kasi alam mo rin naman ang kuwento ko, hindi ba? Pareho tayong niloko," saad ni Hailey.  Alam niya ang tinutukoy ni Hailey. Bago sila naging magkaibigan ay nangyaring siya ang ginawang kabit ng asawa ni Hailey ngunit si Hailey ay matured na rin sa mga oras na iyon. Naintindihan nitong wala siyang alam tungkol sa mga kalokohang ginawa ng asawa nito at pagkatapos no'n, naging magkaibigan sila na may iisang interes at opinyon sa buhay. Na para bang kahit kailan ay hindi nag-exist ang asawa ni Hailey sa mga buhay nila.  Bukod sa Tita niya, si Hailey ay isa sa mga taong totoo at kahit minsan man ay naiinis siya rito, alam niyang gusto lang rin ni Hailey kung ano ang nakakabuti sa kaniya pero sa huli, nagkaroon lang siya ng karelasyon, nakalimutan niyang makinig sa sinasabi ng iba lalong lalo na kay Hailey.  "But you should and must remember that you are not alone, April. You are not alone. Lagi lang rin akong nandito para sa iyo," dagdag ni Hailey na dahilan para tuluyan na siyang mapahagulgol.  "I'm a mess, Hailey," ani April kapagkuwan ay nilagay ang kaniyang kanang palad sa salamin ng elevator kaharap ng makulay na city na nakikita nila ngayon mula sa elevator para suportahan ang kaniyang sarili. "I'm sorry. I'm sorry na hindi ako nakinig. I'm sorry na nagbulag-bulagan ako sa mga sinabi mo, Hailey. I'm really, really sorry. I feel like a bad friend." "Well, you are," diretsahang sabi ni Hailey na mas lalong ikinaiyak ni April. "Alam mo bang minsan ay sobrang inis na ako sa iyo. Every time I call you, ang bilis mo akong babaan. Every time I told you to visit, lagi mo lang sinasabi na pupunta ka pero lumipas na ang mga araw, hindi ka pa rin pumupunta. May rest ka naman tuwing weekend pero kahit ilang oras lang, April. Hindi ka makadalaw."  Oh, my god. She's upset. Kung siya lang rin naman kasi ang nasa kalagayan ni Hailey, kagaya nito ay magagalit siya kaya naiintindihan niya ito. "I'm sorry talaga," tanging nasabi ni April habang nakayuko.  Namutawi ang katahimikan sa loob ng elevator habang patuloy na bumabagsak ang luha mula sa mata ni April. Ayaw niyang mag-angat ng tingin dahil sa ayaw niya rin makita ni Hailey ang mukha niya.  Bukod sa hiya na nararamdaman niya dahil sa mga pinaggagawa niya sa pagkakaibigan nilang dalawa, galit rin siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang ma-disappoint si Hailey sa kaniya. Pakiramdam niya ay sobrang binigo niya si Hailey.  "I'm really sorry, Hailey. I have been a bad fri---" Agad siyang natigilan nang maramdaman ang pagyakap ni Hailey mula sa kaniyang likod. Nanlalaki ang mata niya habang namutawi ang katahimikan sa loob ng elevator.  "That's enough, Beb," mahinahong bulong ni Hailey sa gilid ng kaniyang tainga. "It's not your fault if men are shitty creatures so stop blaming yourself for what already happened, okay? Nagmahal ka lang. Hindi mo kasalanan kung may tinatagong matinding kahalayan ang ex mo sa katawan at humanap ng ibang babae dahil hindi niya makuha sa iyo ang gusto niya. Gago siya at kung puwede nga lang ay gusto kong dagdagan ang bangas niya sa mukha. Salamat na lang at may nagbigay no'n sa kaniya para sa iyo."  Dahil sa sinabing iyon ni Hailey, napanguso na lamang si April habang pinipigilan ang sarili niya na umiyak ng malakas. Kung alam lang ni Hailey na siya ang gumawa ng pasa ni Julian ngayon sa mukha. Iniyuko niya ang kaniyang mukhang habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula sa kaniyang mata habang nararamdaman ang dalawang braso ni Hailey na patuloy pa ring nakayakap sa kaniya. This girl... Sabi ni April sa kaniyang isip kapagkuwan ay sumigok. Hailey is so matured and sweet to the point na gusto niya sana itong yakapin ng mahigpit ngunit kinakain pa rin siya ng kahihiyan dahil sa mga nangyari. Kung tutuusin ay alam niya sa sarili niya na hindi deserve ni Hailey ng isang kaibigang kagaya niya. Sobrang magkaiba ang ugali nila to the point na minsan ay naiinis siya sa mga opinyon nito kahit na papaano ay mahal niya pa rin ito.  Kahit na introvert siya most of the time habang si Hailey ay kabaliktaran ng salitang iyon, hindi niya lubos maisip kung paanong nag-click ang pagkakaibigan na mayro'n sila. Maaaring kung anong nangyari sa kanila dahil sa pag-ibig ang bagay na magkapareho silang dalawa. Labis silang nasaktan dahil sa sobra silang nagmahal pero hindi kagaya ni Hailey, sa kanilang dalawa ay aminado si April na siya talaga ang madalas na pinapagana ang katangahan at puso kaya ngayong muli na naman siyang nasaktan, ang tanging bagay lang na puwede niyang gawin ay manahimik sa isang tabi, magpahinga at umiyak nang umiyak.  "That's enough na, beb," untag ni Hailey sa kaniya kapagkuwan ay niluwagan ang pagkakayakap sa kaniya bago siya nito tinignan.  Parang hinaplos ang puso ni April habang nararamdaman ang mga kamay ni Hailey sa ilang strand ng buhok niyang tinatakpan ang basang-basa niyang mukha mula sa pag-iyak. Para itong Ina na pinapatahan at hindi man lantarang aminin ni April kay Hailey, masaya siya na mayro'n siyang kaibigang kagaya ni Hailey.  Kahit na minsan ay naiirita siya sa pagiging mabunganga nito. Hinding-hindi siya magrereklamo, kahit pa gumamit ng malaking megaphone at speaker ang kaibigan niya. Gusto niya ang klase ng saya at ingat na ibinabahagi ni Hailey sa mundo niya.  It's like as if Hailey's antics is enough to not make her feel alone. Umpisa pa lang ng mga buwan ng pagkakaibigan nila, gano'n na ang pakiramdam na nararamdaman niya.  "Alam mo, okay lang umiyak, April. Pero alam mo kung ano ang hindi okay?" tanong ni Hailey na kunot ang noo habang nakatingin sa kaniya ng malungkot at nakanguso.  "Ano iyon?" tanong ni April kasabay nang pagpunas ng kaniyang kamay sa kaniyang pisngi.  "Iyong umiyak ka hanggang sa mamatay ka. Huwag mong hayaan ang sarili mo na maubusan ka ng tubig sa kakatawan kakaiyak. Kukutusan kita," may pagbababalang sabi nito sa kaniya na kaniya namang ikinatawa kasabay ng pagbabago ng ekspresyon nito sa mukha. "Iyan, okay iyong ngumingiti ka kahit umiiyak. Kahit na magmukha kang baliw sa paningin nila, pakialam nila, hindi ba?"  Pareho silang natawa pagkatapos sabihin iyon ni Hailey. Kasabay ng tawanan nilang iyon ay ang biglang pagtunog ng tila mula sa elevator, senyales na nakaabot na sila sa floor kung saan dapat silang bumaba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD