Chapter Sixty-six Kanina pa ako pinapatahan ni Mommy Yera pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Akala ko'y katapusan ko na. Si Mario na siyang may kasalanan ay unbothered lang sa gilid. Napasalampak ako sa papag habang mahigpit na nakayakap sa ginang. "Akala ko mamamatay na ako, mommy." Parang batang nagsusumbong sa ginang na ani ko. "Tahan na. Hayaan mo't pagsasabihan ko si Mario. Saka normal lang naman ang takbo nang kabayo. Mas mabilis pa nga iyong pagsasalita mo kanina kaysa sa mga paa ng kabayo, eh. OA ka lang." Napasimangot ako na kunalas sa pagkakayakap sa ginang. "Totoo?" ani ko saka napalabi. "Yes, Allegra. Kaya tahan na. Puro ka na lang iyak. Mas mabuti yatang sa kulungan ka na lang umiyak." Agad kong pinunasan ang luha ko. Pero may mga luhang pumapatak pa rin na