Chapter Sixty-seven "I'm really sorry, Xach." Iyak ng babaeng yakap ko habang narito kami sa sala. Naririnig pa rin namin ang pagwawala ni Esme sa dining room. "It's not your fault. Wala ka namang dapat ihingi ng sorry dahil wala ka namang ginagawang masama." Alo ko rito. Iginiya ko siya paupo sa sofa. "Nahihiya ako sa 'yo. Unang tapak mo pa lang sa mansion na ito ay ganito pa ang nakita mo sa family ko. I'm really sorry." "That's fine, Verronica. Naiintindihan ko naman. She's sick, right? Kailangan talaga niya nang mahabang pang-unawa." "H-indi naman siya dating ganyan. Sobrang dami lang talagang dumating na problema sa family namin. Nawala iyong isa kong Tiya. Niloko siya ng uncle ko. Namatay si Lola. Hindi talaga kinaya ng utak niya kaya halos araw-araw siyang ganyan. Kaya kahit