Chapter Sixty-two "B-akit po si Verronica?" iyon ang unang naibulalas ko habang tulala sa TV na gumagana ngayon. "Why not? She's beautiful and maganda ang takbo ng career. Why not her, 'di ba?" ani nito. "Kalahi ko pala ang gusto... bakit hindi na lang po ako?" ani ko. Nababasa na ang sahig dahil sa damit na suot ko na nabasa ng ulan. Iyong make-up ko'y hulas na rin. Nanginginig ako sa lamig pero balewala iyon sa akin. "Kasi katawan mo lang naman ang gusto ni Xachary. You think gugustuhin ka niyang makasama habambuhay lalo na sa record mo? No. Akala ko nga'y oo. Pero hindi pala. Mabuti na lang at hindi pala." Parang batang nagpunas ako ng luha. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha kong iyon. "Anong nararamdaman mo ngayon, Allegra?" "Masakit po. Pwede naman po akong mahali