Chapter Sixty-three "Sobrang bilis talaga ng lahat para sa amin ni Xachary. Ipinakilala lang siya sa akin ng friend ko... crush pala ako ni Mr. El Richi. Niligawan niya ako... then sinagot ko siya agad. Daig ko pa ang prinsesa na may biglang prince charming na dumating. He's so nice. Agad din siyang natanggap ng family ko kaya Hindi naging mahirap sa amin ang relasyon na ito. Then here..." ipinakita nito ang singsing. Halatang masayang-masaya ang pinsan ko. Hindi lang labi nito ang nakangiti, pati ang kanyang mga mata'y kumikinang sa kagalakan. "Birthday niya kagabi... biglang nag-propose. Hindi sumagi sa isip ko na iyon ang gagawin niya. Special day niya iyon, pero ako ang in-surprise niya." Kwento nito sa mga reporter na humarang dito habang palabas siya ng gusali. "Kahit ang mga fans