Dani's POV Katulad ng napag-usapan, bumiyahe kami ng alas sais y medya nang gabi patungong Maynila. Tahimik sa loob ng sasakyan at wala kaming imikan ang tanging maririnig lamang ay ang boses ni Sage na naglalarong mag-isa habang nakaupo sa aking kandungan, puro sounds lang naman at wala kang maiintindihang salita sa mga binibigkas nito. Dahil wala naman akong ibang mabalingan ay hindi ko maiwasan na pagmasdan si Sir Lucas sa aking tabi, abala ito sa pagmamaneho kaya palagay ko naman ay hindi ako nito pansin. Hindi ko lubos maisip kung paanong ang lalakeng ito ay magugustuhan ang isang gaya ko lamang? Naalala ko pa noong una ko siyang makita sa Prague, nagniningning siya sa aking paningin at ibang kasiyahan ang dulot sa akin ng una kong masilayan ang napakagwapo niyang mukha. "Are you

