Dani's POV Inanyayahan ako at si Sage ni Paul sa kaniyang bahay, nagluto raw ng masarap na meryenda ang kaniyang inang si Aling Dhalia kaya naman agad kong tinanggap ang imbitasyong iyon. Naging abala ang mag-ina nitong mga nakaraang araw, madalang ko silang makita. Madalas ipasyal ni Paul ang kaniyang ina kaya madalas din ay wala sila. "Oh, kamusta ka na, Sage?" bungad bati ni Aling Dhalia sa aking alaga. Tuwang-tuwa ito na makita si Sage, agad nitong kinuha sa akin ang bata. "Sige na, ako na muna'ng bahala rito kay Sage, nagluto ako ng ginataang bilo-bilo pumunta ka na sa kusina at nand'on si Paul," utos ni Aling Dhalia sa akin. Na-excite naman ako nang marinig ang sinabi nitong ginataang bilo-bilo. Matagal na panahon na akong hindi nakakatikim no'n kaya hindi ko maiwasan ang makaram

