KINAUMAGAHAN may dumating ulit na delivery galing kay Darius. This time prutas naman at flowers. "D..." basa ni Nanay sa initial na nakasulat sa note na nakalagay. Nag-isip siya saglit, pagkatapos ay naniningkit ang mga mata na tumingin sa akin. "Kanino galing 'to, Anak?" usisa niya. Para bang close kami kung makapagtanong siya tungkol dito. Anak, ha? "Sa supplier po 'yan. Si Miss D," mabilis ko namang sagot. "Ganu'n?" tila hindi naniniwalang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang pinunta niya dito. Ang kumustahin ang bunsong anak niya o ang usisain ang buhay ko? Dahil may nalaman siyang nakakuha ng interes niya. Nakakahiya talaga siya mag-isip. Huwag lang talaga niyang pakikialaman ang personal kung buhay. I swear. Baka doon tuluyang maubos ang pasensya ko. Okay lang sana k